Aminado ang Kapamilya artist na si Chie Filomeno na kinilig siya nang mabasa at mapanood ang latest interview ni Jake Cuenca tungkol sa kanilang relasyon.
"To be honest, wala nang ano, wala nang showbiz-showbiz, kinilig ako, as in... Kasi, finally, someone sees [this side of] me," pahayag ni Chie nang eksklusibong makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertaintment Portal) ito tungkol sa naging pahayag ni Jake.
"And, I mean, aside from my friends, my family, my supporters, nakakatuwa na may isang lalaki na vocal sa nararamdaman niya.
"And, the little things, yun yung na-appreciate niya."
Naganap ang interview sa launch ng bagong collaboration Forever 21 at Barbie sa SM Mega Fashion Hall noong Biyernes, June 30, 2023.
Kasalukuyang nasa dating stage na ang sina Chie at Jake.
Sa nasabing panayam, sinabi ni Jake na na-appreciate nito si Chie dahil "sobrang bait saka sobrang family-oriented" nito.
Read: Jake Cuenca on blossoming romance with Chie Filomeno: "I'm happy, super."
Dumoble pa nga ang kilig nang mapanood nito si Jake na sinasabi ito.
Aniya, "Nabasa ko din kasi yung article, so iba yung feeling pag nabasa mo rin tapos napanood mo rin sa video. So, I'm really happy."
Kahit mas napapalapit na sila sa isa't isa ngayon, hindi naman daw nagmamadali si Chie na pumasok sa isang relasyon, gaya rin ng naging pahayag ni Jake.
Aniya, "I'm very clear also with my feelings, my intentions, and, yun din, vice versa. And, he respects na I'm taking my time.
"And, yung gusto ko sa kanya, hindi siya nagmamadali. Alam niya kung ano yung priority ko. And, he's okay with that, so nakakatuwa."
Read: Is Chie Filomeno open to dating Jake Cuenca?
Nang si Chie naman ang tanungin kung ano ang nagustuhan nito kay Jake, sagot nito, "Siguro kasi yung passion niya.
"And, hindi siya madamot to share his knowledge. Sobrang knowledgeable niya.
"As in, ang daming yung words of wisdom, ang dami mong mapupulot sa kanya.
"And, yun, like, I can listen to him all day talk about acting, about his passion, yun."
READ MORE:
