PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

""Bulaga! Welcomes Showtime""

Paolo Contis: "Hindi po ito kumpetisyon, pero ito po ay aming inspirasyon."
by Erwin Santiago
Published Jul 1, 2023
paolo contis isko moreno eat bulaga
Eat Bulaga! hosts Paolo Contis (left) and Isko Moreno acknowledge their rival noontime shows, It's Showtime and TVJ's new noontime show. Isko says, "Masaya kami kasi marami nang pagpipilian ang tao. At least, ang noontime show ngayon, para nang buffet, marami ka nang choices."
PHOTO/S: GMA Network

Espesyal ang araw na ito para sa Philippine television dahil nagkasabay-sabay ang mga pasabog at milestones ng tatlong noontime shows sa bansa ngayong Sabado, July 1, 2023.

Ngayong araw ang first monthsary ng revamped Eat Bulaga! sa GMA-7, kasama ang mga bagong host ng programa sa pangunguna nina Paolo Contis at Isko Moreno.

Ngayong Sabado rin ang unang araw ng pag-ere ng It's Showtime sa GTV, ang sister station ng GMA-7.

Ngayon din ang pilot episode ng bagong noontime show ng Tito, Vic & Joey sa TV5, ang E.A.T.

Read: Salpukan ng noontime shows sa Sabado, July 1, kaabang-abang

Sa kabila ng matinding kumpetisyon, nagbigay-pugay at binati ng Eat Bulaga! hosts ang dalawa nilang katapat na programa.

Ayon kay Paolo, isang selebrasyong maituturing ang araw na ito dahil ito ang simula ng "bagong era" sa kasaysayan ng Philippine noontime televisin.

Pahayag niya, "Mga Kapuso, espesyal tong Sabadong to para sa Eat Bulaga! dahil masasabi natin, eto ang bagong era ng noontime television habit ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam naman natin, alam ko updated kayo sa mga nangyayari at nag-aabang kayo. Gaya ninyo, excited din po kami.

"Para sa karamihan, isa itong malaking kumpetisyon. Pero para sa programa gaya ng Eat Bulaga! na 44 years na po na nagpapasaya, hindi po ito kumpetisyon, pero ito po ay aming inspirasyon."

Nagbigay-pugay naman si Isko sa pioneer hosts ng Eat Bulaga!.

Mensahe niya: "Tito Sen, Vic, and Joey, and their Dabarkads, congratulations sa inyo. Masaya kami may bago na kayong tahanan.

"Masaya kami kasi marami nang pagpipilian ang tao. At least, ang noontime show ngayon, para nang buffet, marami ka nang choices.

"Taus-puso, sampu ng aming mga kasama—staff, production, the mangement TAPE Inc.—we warmly welcome and congratulate Tito, Vic, and Joey. Congratulations po sa inyo!"

Kasunod nito ay tiniyak ni Isko na magpapatuloy ang Eat Bulaga! sa pagbibigay ng kasiyahan, pag-asa, at tulong sa kanilang manonood.

"Ngayon naman, kami dito ni Paolo at sampu ng aming mga kasama, sa mga viewers natin, in our own little way, in a different manner, we will try to make your afternoon full of joy and hope.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dahil gusto namin, araw-araw sa tanghalian, kasama niyo kami, ang Eat Bulaga!. Tulong at saya ang handog namin sa inyo."

Hindi rin nakaligtaang banggitin ni Paolo ang isa pa nilang katapat na programa, ang It's Showtime, na napapanood na ngayon sa GTV.

Aniya, "Iwe-welcome ko na rin ang isa pang nagbibigay-saya. Mas nauna to sa amin pagdating sa mga hosting, pero ngayon kapitbahay na natin sila.

"Sa It's Showtime, welcome... Dahil ngayon kapitbahay na namin kayo, masaya kami na matatawag na namin kayong Kapuso.

"Kaya kung ano ka man, parte ka man ng Madlang People, kung Dabarkads ka man, kung Kapuso ka man, maraming-maraming salamat.

"Masaya kami na na dito kayo. Ang importante, tuluy-tuloy lang po ang pagbibigay namin ng saya dahil ang importante naman ay yung mga viewers natin.

"Welcome to your new home, It's Showtime."

Sambit naman ni Isko, "Naku, ang magbebenepisyo rito ay kayong mga viewers!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eat Bulaga! hosts Paolo Contis (left) and Isko Moreno acknowledge their rival noontime shows, It's Showtime and TVJ's new noontime show. Isko says, "Masaya kami kasi marami nang pagpipilian ang tao. At least, ang noontime show ngayon, para nang buffet, marami ka nang choices."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results