Matapos ang 45 years, makikita sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—kilala rin sa tawag na TVJ—sa noontime slot sa telebisyon, but not as hosts of Eat Bulaga!.
Ngayong Sabado, July 1, 2023, naging emosyonal ang TVJ sa launch ng bago nilang noontime show sa bago nitong tahanan, sa TV5, at sa bago nitong studio.
Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline
Sa hallway pa lang papasok ng TV5 studio ay hindi na napigilan ang pagpatak ng luha nina Vic at Joey matapos daanan ang mga litrato nilang nakasabit sa hallway.
Bago pumasok at tuluyang harapin ang kanilang studio audience, nagyakapan ang iconic trio.
Mas lalo pang naging madamdamin ang sumunod na tagpo nang kantahin nila ang "Ikaw Ang Aking Mahal" ng VST & Company—ang singing group nina Tito at Vic noong 1970s na siya ring nagpasikat two hits songs na isinulat ni Joey, ang "Ipagpatawad Mo" at "Awitin Mo at Isasayaw Ko."

Kasunod nito ang pagkanta nila ng iconic theme song ng Eat Bulaga! kasama ang iba pa nilang co-hosts, ang "legit Dabarkads" na sina Jose Manalo, Maine Mendoza, Allan K, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Wally Bayola, Ryzza Mae Dizon, at Carren Eistrup.
Pero pinalitan ng "EAT," ang bagong title ng TVJ show, ang linyang "Eat Bulaga" sa jingle.
Read: Tito, Vic & Joey todo-promote ng noontime show nila sa TV5
“Tatapatin namin kayo, maliit lang talaga itong studio na ginagamit namin ngayon,”
“Pero kahit maliit ang bahay, ang importante ay sama-sama tayo," saad ni Joey.
Noong June 7, 2023, in-anunsiyo ng TVJ at "legit Dabarkads" ang paglipat nila sa TV5 matapos ang kontrobersiyal na pagkalas nila sa T.A.P.E., ang producer ng Eat Bulaga!, na kasalukuyang umeere sa GMA-7.
Read: TVJ at Dabarkads, nag-pictorial na para sa noontime show nila sa TV5
