Sa pamamagitan ni Ryan Agoncillo, live na napanood sa social media nitong Miyerkules ng umaga, June 14, 2023, ang pagsasama-sama nila nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Jose Manalo, Wally Bayola, Allan K, at Paolo Ballesteros sa Reliance, Mandaluyong City studio ng TV5.
Nag-pictorial na ang grupo para sa kanilang bagong noontime program na malapit nang mapanood sa Kapatid Network.
Kasama sa pictorial at sa tanghalian ng original hosts at Dabarkads ng Eat Bulaga! ang production staff na sumama sa kanila matapos ang pagpapaalam nila sa TAPE Inc. noong May 31, 2023.
Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
Kasama rin sa pictorial ang mga executive ng TV5.
Sa isang bahagi ng video, nagtanong si Joey kung naka-live ang video ni Ryan dahil ayaw niya ng "tape" — pabirong patutsada sa producer ng kanilang dating programa na napapanood sa GMA-7.
“Live ba ‘to? Ayaw namin ng tape, ha? Gusto namin live! Hindi ito tape ha? Okay!” ang deadpan humor ni Joey.
Wala sina Ryzza Mae Dizon at Carren Eistrup sa naganap na pictorial ngayong Miyerkules dahil nauna na ang photo shoot nila noong Lunes, June 12—ang 18th birthday ni Ryzza Mae.
Read: Ryzza Mae Dizon, hindi nakapag-18th birthday sa 'Eat Bulaga!'
Kuwento ni Ryzza, “Yung pictorial, napakasaya po and nagpi-pictorial pa lang kami pero sobrang na-excite na talaga kami.
"First time kasi namin sa studio dito sa TV5. Sobrang babait ng mga tao dito. Dama mo yung warm welcome nila so thank you po sa Kapatid natin.
“Kung hindi niyo po alam, share ko lang, birthday ko po ngayon. Eighteen years old na po ako.
"And kahit birthday ko po, nag-pictorial pa din kami kasi hindi na ako puwede sa susunod na araw dahil meron akong birthday trip.
“Basta po, konting bakasyon lang tapos work work ulit kaya ito lang ang libreng araw para makapag-pictorial. We all should know and prioritize our priorities.”