PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'It’s Showtime' gives its all in GTV premiere

'It's Showtime' came prepared for the battle of noontime shows July 1.
Writer: Arniel C. Serato Writer: Bernie V. Franco
Published Jul 2, 2023
Its Showtime hosts
It's Showtime made space for Kapuso stars when it premiered on the GTV Channel, Saturday, July 1, 2023.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

#BattleOfNoontimeShows
Ang It's Showtime, na binitiwan ng TV5, ay may grand comeback sa GTV, kapatid na istasyon ng GMA-7. Ang welcome hype ng TV5 ay ibinuhos sa E.A.T. ng TVJ, ang kinikilalang mga hari ng noontime programming na lumipat mula GMA-7. Ang Eat Bulaga!, the country's longest-running noontime show, ay lumalarga pa rin sa GMA-7. Lahat sila ay sabay bumulaga sa Free TV noong Hulyo 1, 2023.

Kaiba ang excitement sa tanghalian ng araw na iyon. Masasabing binigyan ng #BattleOfNoontimeShows ng bagong buhay ang TV! Dito sa PEP.ph, nagtalaga kami ng tiggalawang writers para tutukan ang bawat show. Ito ang kanilang maramdaming opinyon sa pinanood.

Sa simula pa lang, may full disclosure na mula kina Arniel at Bernie na nanood ng It's Showtime.

Sabi nila, naka-all caps, boldface: BIASED KAMI PARA SA IT’S SHOWTIME DAHIL PAREHO KAMING FAN!

ARNIEL SERATO: Hindi mabubuo ang araw ko kapag hindi ako sumisilip sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa nakakatuwa at nakakatawa, champion din sa akin na isang member ng LGBT++ community ang main host nitong si Vice Ganda.

May Anne Curtis pa. Sayang na nga lang at hindi na bumalik si Mariel Rodriguez sa show.

Tinupad ng It’s Showtime ang sinabi ni Vice na engrande ang magiging opening number sa pagpasok nila sa Good Television o GTV ng GMA-7.

Read: Vice Ganda: “Pinakamatinding plot twist ng taon.”

Matatandaang sabi ni Vice sa vlog niya noong June 27, 2023: “Siyempre, grand opening ulit yan, 'no, hindi tayo puwedeng hindi grand opening.

“Alam mo naman eksaherada ako lagi, 'no. Gusto ko lagi akala mo grand finals, grand opening, parang bagong segment, grand launch.”

Ayaw raw kasi ni Vice ng puchu-puchu at ayaw rin daw ng ganyan ng Madlang People.

Totoo ngang hindi matatawaran ang inihandang opening number ng It’s Showtime na tumagal ng halos tatlumpung minuto. Sa Ingles, 30 minutes!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Vice Ganda holds no grudge against TVJ, TV5; thanks GTV for accepting ‘It’s Showtime’

Opening pa lang ay "pasa-vogue" na.

Matapos ang voice-over, si Vice na agad ang sumalang at kumanta ng kanyang sariling awiting "Toxic Free."

Vice GandaVice Ganda performs on GMA grounds

Matapos ang ilang linya, pumasok na sa stage ang co-hosts na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Amy Perez, Kim Chiu, Jugs Jugueta, Teddy Corpus, Ryan Bang, Ion Perez, MC Muah, Lassy Marquez, Cianne Dominguez, at Jackie Gonzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Barbie doll naman ang dating ni Anne, na isang certified fashionista, nang samahan nito si Vice sa stage sa pagkanta ng opening song.

Sinundan ito ng dance number nina Vhong at Jhong, at ng Kapuso brothers na sina Rayver at Rodjun Cruz—na hindi matatawarang panay first-rate dancers!

Hindi rin nagpahuli si Amy Perez sa kanyang halos-signature song number na "Together Forever" ni Rick Astley, at sinamahan pa siya ng singer-TV host na si Jolina Magdangal at ng Kapuso comedienne na si Pokwang.

Sa labas naman ng studio ay nag-perform sina Teddy at Jugs ng kanta ng The Turtles na "Happy Together" kasama sina Erik Santos at Mark Bautista.

Sa loob ng studio, hindi rin nagpalupig si Kim Chiu sa kanyang sayaw, kasama sina Belle Mariano, Alexa Ilacad, at Kapuso star Barbie Forteza. Ganda na, unexpected pa!

Bigay-todo din ang sayaw nina Jackie Gonzaga, Chie Filomeno, at Kapusong si Sanya Lopez sa opening number ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kapuso stars appear on 'It’s Showtime': “Ang saya naman dito!”

barbie forteza, belle mariano, alexa ilacad, kim chiuKapamilya stars (L-R) Belle Mariano, Kim Chiu, and Alexa Ilacad perform with Kapuso star Barbie Forteza (standing, center)

Sina Ryan, Ion, MC, Lassy, at Cianne ay nakipagkantahan naman sa audience.

Habang tumutugtog ang upbeat theme song ng It’s Showtime, nag-pan ang camera kay ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, na nakikisayaw kasama ang audience at ang host na si Vhong Navarro.

Pagkatapos ay makikitang sumali sa kanila sina Vice Ganda at ABS-CBN Head of Production Laurenti Dyogi sa saliw pa rin ng It’s Showtime song. Nice. Masaya.

Nang bumalik si Anne sa centerstage, kumanta ito ng "Hold My Hand" ni Jess Glynne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos nito, ipinakita ang pre-recorded video ni Vice na sumakay ng helicopter mula ELJ Building ng ABS-CBN patungong GMA building. Inspired ang concept. Sa isang shot na iyan, napakita ang collab ng dalawang magkatunggaling networks.

Sa napakahabang panahon, hindi napagkokonekta ang dalawang buildings na iyan, na mga simbolo ng power ng top competing networks. Ngayon ay tumawid, lumipad, nag-cross over ang isang premier Kapamilya talent papuntang Kapuso grounds!

Nag-perform si Vice sa labas ng GMA building ng kanta ng The Wanted na "Glad You Came."

Matapos nito, ipinakita muli ang live feed mula sa studio ng It’s Showtime, kung saan nasa stage na ang lahat ng hosts at guests. Kinanta nila ang theme song ng It’s Showtime.

pokwang amy perez and jolina magdangal(L-R) Kapuso artist Pokwang with Kapamilya stars Amy Perez and Jolina Magdangal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tapos, pasok si Vice: “Madlang People, eto na yun. Ito na ang inaabangan ng lahat, ang trending na usap-usapan at inaabangan sa social media, ang hindi natin inakalang mangyayari. Heto na.

“It is really happening right now, right here, buong bansa, at buong mundo, saksi dito sa makasaysayang selebrasyon natin.

“Wala nang hihigit sa pinakamatinding plot twist ng taon—dahil ang Kapamilya at Kapuso ngayon ay pinag-isa.

“Kaya naman pasabog din ang pa-welcome natin sa GTV, dito sa It’s Showtime!

At dito na nga natapos ang matagal nang network war sa pagitan ng Kapamilya at Kapuso.

Go, Bernie!

Arniel Serato

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BERNIE FRANCO: Thank you, Arniel! Mas gusto kong sabihing paborito natin ang It’s Showtime kesa biased tayo sa kanya.

Pampadagdag talaga siya ng good vibes sa atin araw-araw, ‘no?

Gayunpaman, purihin natin ang dapat purihin at punahin ang dapat punahin.

Having said that, I must agree sa sinabi mong engrande ang opening ng Kapamilya noontime show—pinag-isipan! pinaghandaan! Sulit ang saya ng fans.

It’s Showtime left no stone unturned nitong July 1 when the Kapamilya noontime show premiered on the GTV Channel owned by GMA-7.

GTV Channel ang dagdag na tahanan ng It’s Showtime, kasunod ng pagtatapos ng blocktime deal ng programa sa TV5.

Maidagdag ko na nga para sa mga curious. Ito ang mga channels na nagdadala ng It's Showtime, matapos tanggalan ng prankisa ng Rodrigo Duterte Government ang ABS-CBN: A2Z, Channel 24 SA SKYcable, Channel 11 sa Cignal, Channel 6 sa GSat, Channel 24 sa Destiny Cable, Channel 27 sa free TV, Channel 15 sa TVplus, Channel 2 sa GMA Affordabox, TFC at ABS-CBN Entertainment YouTube Channels.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iba pa rin siyempre kung nakatayo ang ABS-CBN gaya nang dati, nung hindi pa tinatarget ng malalaking pulitikong galit dito.

Anyway, agree ako sa sinabi ni Arniel pagdating sa attitude ni Vice: Gusto nito na laging bongga. Flamboyant is the word that comes to mind, na tama lang para sa isang noontime entertainment show na maraming katapat!

Pero eto, ha, sa akin dumami yata masyado ang ganap sa opening number!

Bukod sa hosts at guest artists, dami ring dancers, at pati ang staff ng show at ang audience kasama. Tapos, meron pang mga nalalaglag na confetti, liban sa nakakatawag-pansing props at mga nagbobonggahang outfits at costumes.

Hindi ko na alam kung saan ako magko-concentrate! Hindi ko tuloy masyadong manamnam ang lahat.

Vice GandaVice Ganda inside the premises of GMA-7

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero i-mention kong sa engrandeng opening number, okay sa aking paulit-ulit ang It’s Showtime sa pag-acknowledge ng collaboration nila sa GTV.

Yung kanta nga ni Vice na “Toxic Free” ay pinalitan niya ng “Together as one.” Pati sa choice of songs, maraming mention ng “Together," at hindi naman siguro ako overreading kung sabihin kong patukoy ito sa collab.

Sa spiels, hindi rin sila nagkulang sa pagbanggit ng “Kapuso,” at binigyan din ng moment magsalita ang Kapuso guests na sina Pokwang, Rayver, at Rodjun, na mga dating kasamahan ng hosts sa Kapamilya channel.

All-out naman sa pagsigaw ng opening greeting na “What’s up, Madlang People?!”—signature greeting ng It's Showtime—sina Barbie at Sanya, mga young premier stars ng Kapuso network.

Nag-joke pa si Vice kina Barbie at Sanya na parang ang tagal-tagal na nilang gustong isigaw ang greeting na iyon. Gandang ice-breaker.

barbie imperial ang sanya lopezKapuso stars Barbie Forteza and Sanya Lopez on It's Showtime

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumapat pa ang araw sa It's Showtime grand finals na "Tawag ng Tanghalan Duets" o "TNT Duets."

Sa simula ng singing competition, ang bungad ni Vice ay ang pasasalamat sa Kapuso executives: Felipe L. Gozon, GMA Chairman and CEO; Atty. Annette Gozon-Valdes, Senior Vice-President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group, at President and CEO ng GMA Films.

Pati na rin kina Jimmy Duavit Jr., President and COO; at Felipe S. Yalong, Executive Vice-President and Chief Financial Officer.

Ginalingan ni Vice ang binitiwang jokes tungkol sa GMA partnership.

Tulad ng joke niyang dadagdagan ang grand prize ng "TNT Duets" dahil magdadagdag sa prize money ang GMA network. Kung wala man sa balak ng huli, nagpatawa pa rin sa madlang people.

O kaya'y ang joke na kailangan galingan ng It's Showtime hosts ang trabaho para hindi bawiin ng GTV ang kontrata.

Walang kupas talaga si Vice pagdating sa witty at funny na ad libs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal nang magaling sumalo naman ang co-hosts na sina Vhong Navarro, Kim Chiu, at Anne Curtis, na kahit bilang solo talents ay mga de kalibre, of the first order ika nga.

Hasang-hasa na ang It’s Showtime hosts sa pagbitaw ng mga biro. Yung bigla silang hihirit ng joke kapag nagiging seryoso ang usapan, lalo kapag kausap ang contestants.

The main hosts also do not seem to mind being the butt of jokes of their co-hosts.

Meanwhile, hindi ko inasahan ang pag-include nila ng dalawang Kapuso singers— sina Mark Bautista at Christian Bautista—bilang TNT hurados that day.

It was a nice twist, lalo na sa isang segment na mahalagang bahagi ng Kapamilya noontime show.

Admittedly, isa sa paborito kong segments ang TNT dahil this contest showcases world-class Filipino talents.

Tsaka noticeably, dumoble ang viewership sa Kapamilya Online Live sa YouTube sa episode ng It’s Showtime ng July 1.

On a daily basis, naglalaro ang numbers nila sa YouTube mula 40,000-70,000 viewers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong July 1, they hit more than134,000!

The question is, will they be able to sustain this viewership in their partnership with GMA-7?

We shall know in the coming days.

Pero walang dudang, ako, I will go on watching It’s Showtime. Good, quality entertainment siya!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime made space for Kapuso stars when it premiered on the GTV Channel, Saturday, July 1, 2023.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results