Payag si Jessy Mendiola na gumanap bilang alalay ni Marian Rivera.
Sinabi ito ni Jessy nang makapanayam siya ng PEP.PH (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa grand opening ng Manila Diamond Studio, kung saan celebrity endorser ang aktres.
Natanong kasi si Jessy kung sinong Kapuso actress ang nais niyang makatrabaho in the near future, ngayong tuluy-tuloy na ang collaboration ng ABS-CBN at GMA-7.
“Sino kaya? Oh my goodness! Siguro si Marian. Grabe, ano talaga e…”
Sabi naman ng press, dahil pareho silang maganda at mestisa ay puwede silang gumanap bilang magkapatid sa isang serye o pelikula.
“Talaga? Kahit nga julalay lang niya, tatanggapin ko talaga,” ang tumatawang bulalas ni Jessy.
“Kasi sobrang ano niya… even yung family niya, pina-follow ko sa social media, and I really look up to her!"
Nagbigay pa ng detalye si Jessy kung bakit niya tinitingala si Marian.
Aniya, “Kasi nakakatuwa yung pag-aalaga niya sa mga anak niya at hands-on siyang mom, so parang feeling ko sa ganung aspect, medyo magdya-jive kami.
“So yun, I think she’s a good actress also and she’s the queen, di ba, so I really want to work with her.”
Sa mga male Kapuso artists naman, ang mister ni Marian na si Dingdong Dantes ang gusto ni Jessy na makatrabaho.
Read: Dingdong Dantes relates what Zia and Sixto did while he's doing voiceover for this show
“Kung sa lalake naman, si Dingdong. O, di ba mag-asawa?” ang muling tumatawang sinabi ni Jessy.
“Kahit PA [personal assistant] nilang dalawa tatanggapin ko!
“Kasi si Dingdong naman, I think I’ve met him once, he’s so kind, and sabi ko nga siguro maybe one day makatrabaho ko rin siya.”
Jessy raring for SHOWBIZ COMEBACK
Natanong naman si Jessy kung anong klaseng genre ang gusto niyang balikan sa serye o pelikula.
Sabi ng aktres, “Gusto ko as a mom, gusto ko ganun.
“Tapos, may kasama akong kid, di ba, parang nakakatuwa. Ang dami ko ng nakikita na mga ganung series na rin, very heartwarming, and at the same time, yung nakaka-inspire.
“Para sa mga mommies also, so talagang looking forward ako na makabalik.”
Mukhang mangyayari na ang showbiz comeback ni Jessy this year, at mapapanood na siyang muli sa pelikula at teleserye.
“Sana, sana. Lord sana!”
Pero nilinaw ni Jessy na paunti-unti ang pagbalik niya sa showbiz, dahil hiniling niya na mabigyan ng six months para matutukan ang paglaki ng kanyang anak na si Isabella Rose.
Read: Celebrity godparents of Jessy Mendiola and Luis Manzano's daughter Isabella Rose
Paliwanag niya, “Actually, nag-i-start pa lang now, ang gagawin ko baka mag-mini series muna ako.
"Actually, marami ding magpi-pitch sa management ko, as in literally first… parang kumbaga ito yung first month na magtatrabaho talaga ako.
“Kasi sinabi ko, ‘Please pag six months na [si Baby Rosie], saka na tayo mag-start.’
"And I’m very grateful kasi yung mga brands na katrabaho ko ngayon, like itong Manila Diamond Studio, yung mga nag-o-offer, yung mga pitching also, talagang ano sila, they were gracious enough to give me time.
“They were generous na, ‘Okay sige, we will give you time with your baby.’ Yung mga endorsements ko talagang binigyan nila ako ng… so ngayon naghahabol ako," at tumawa ang aktres.
“Sabi ko, ‘No, no, no, gusto kong bumawi.’ So this month, talagang ishu-shoot ko lahat ng kailangan kong i-shoot.”
Nakausap ng PEP.PH si Jessy noong July 8, 2023, sa grand opening ng Manila Diamond Studio sa 5th floor ng Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City.
