Ngayong dumadami ang collaborations ng GMA-7 at ABS-CBN, mabigyan kaya si Alexa Ilacad ng opportunity na matupad ang kanyang dalawang dream roles?
Sabi ni Alexa sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’ve said this before, that if I would be shooting for the. stars, it would be Marimar.
"Either Marimar po or Rubi ni Ms. Angelica Panganiban, bida-kontrabida.
“So yung dalawang yun po ang kung paghihilingin ako ni Lord ngayon, yun po talaga ang gusto kong gawin."
Read:
- 5 actresses who auditioned for MariMar 2007 adaptation: THEN and NOW
- Thalia, 50, recreates Marimar look with dress she wore 28 years ago
- Alexa Ilacad's dream role is...Marimar!
Bilang Kapamilya star, masaya naman si Alexa na tila wala nang network war sa pagitan ng Kapamilya at Kapuso networks.
Bulalas niya, “It’s amazing! I’m very happy of course, matagal na po akong loyal sa ABS-CBN, sa Star Magic, more than half of my life!
“And ang ganda lang po na wala na nga po yung sinasabi nila na network war, kumbaga everyone has more opportunities now. And ABS-CBN as a content creator, mas malawak na yung reach and mas may freedom na I would say, to create different kinds of shows.
“And yun nga, of course the more the merrier, di ba, mas maganda na madami tayong nagko-collaborate, mas madami ding nabibigyan ng work.”
Nakapanayam ng PEP.ph si Alexa sa grand opening ng Manila Diamond Studio, na siyang in-e-endorse ni Alexa kasama si Jessy Mendiola, noong July 8, 2023.
Natanong ang dalawa kung sino ang Kapuso artist na nais nilang makatrabaho, at pareho sila ng sagot: si Marian Rivera.
Paliwanag ni Alexa, "Matagal ko na po siyang tinitingala. I’ve been looking up to her for a very, very long time.
"And kagaya ni Ate Jessy, yung buhay nila yung parang goal ko, to live a life as beautiful as theirs.
“And when I grow up one day, to have a family as beautiful as theirs."
Dagdag pa ng Kapamilya actress, "So yun, for me, Marian’s beauty is just up here. Pag nakikita ko siya talagang yung napapahinto ako sa kinatatayuan ko, and I just admire her, she’s also a strong woman who speaks her mind.”
FUTURE PLANS
Samantala, natanong naman si Alexa kung ano ang kanyang major plans sa susunod na taon.
Pag-amin ng aktres, “Actually, I haven’t really thought about that. Mas nagpo-focus lang po ako sa ginagawa ko ngayon. But siguro I want to travel with my family, my whole family.
“I would love to travel with my whole family, sana po, ‘no?
“And sana tuluy-tuloy yung work, more shows, more movies, yun lang naman po yung gusto kong gawin sa buhay ko.”
Speaking of travel, nabanggit din ni Alexa na gusto niya sanang mapanood si Taylor Swift sa The Eras Tour. Karamihan sa mga ka-edad niya na mahilig din sa concert ay lilipad sa ibang bansa para mapanood ang pop superstar.
Pero sabi ni Alexa, "Medyo parang hindi na ako umaasa kasi it seems a bit impossible to me right now to get tickets, coz pahirapan, talagang pasuwertihan din.”
Sinubukan niya ring pumila sa bentahan ng ticket ng concert ni Taylor sa Singapore.
Lahad niya, “Yes, hindi ako nakakuha ng code, but it’s okay, ibig sabihin not meant to be.
“Tsaka parang tinatanggap ko na lang po na baka hindi pa lang ngayon yung time ko, happy na ako na makapanood na lang ng video niya sa TikTok.”
Kasalukuyang busy si Alexa sa taping para sa Pira-Pirasong Pangarap, ang kanyang bagong serye sa ABS-CBN.
Aabutin ba hanggang sa katapusan ng 2023 ang kanilang taping para sa naturang serye?
Sagot ni Alexa, “Sa pagkakaalam ko po, I am not so sure. Kasi kakaiba po yung treatment ng show namin, mala-Netflix siya na may seasons, hindi siya yung usual na serye na 3 months, it’s quite different.”
