Lagpas isang taon na ang usap-usapang hiwalayan nina Enrique Gil, 31, at Liza Soberano, 25.
June 2022 pa unang pumutok ang balita tungkol sa diumano'y hiwalayan ng dalawa.
Pero, pinabulaanan ito ni Liza.
Read: Liza Soberano speaks about rumored breakup with Enrique Gil, being linked to James Reid
Lalo pa itong uminit noong hindi binati ni Liza si Enrique sa social media sa 31st birthday ng aktor noong March 30, 2023.
Nakagawian na kasi ng fans ng LizQuen na binabati nila ang isa’t isa sa social media tuwing kanilang kaarawan.
Read: Liza Soberano, walang birthday greeting kay Enrique Gil; break na ba sila?
Pero spotted naman ang dalawa sa isang party nitong nakaraang June 2023.
View this post on Instagram
Sa panayam ni Gretchen Fullido kay Enrique, na lumabas sa TV Patrol ng ABS-CBN ngayong gabi, July 13, 2023, inusisa ang aktor kung kamusta na sila ni Liza.
Ayon kay Enrique, okay sila at parehong busy sa kanilang mga proyekto.
Kahit pareho silang super busy, hindi nila nakalimutang magpakita ng suporta sa isa’t isa.
Pahayag ni Enrique, “We’re good, we’re good. You know, I’m busy with all my projects.
“She’s busy with all her projects naman. She’s focusing on international work which is super good for her.
“You know, kahit super busy kami, we still support each other no matter what.
"So, yeah, I'm super happy for her, super happy for me, too.”
Nitong nakaraang January 2023, pinabulaanan na rin ni Enrique ang lumabas na hiwalay na sila ni Liza.
Kasabay ito sa pagbati ni Enrique kay Liza noong January 4, 2023 para sa kanyang ika-25 kaarawan.
Saad ni Enrique sa kanyang Instagram post, “We might be worlds apart, but you’ve never been closer to my heart.
"To the most beautiful soul in the world. To my best friend and baby [emoji] i love you so much [emoji] Happy Birthday!!"
Ibinahagi naman ito ni Liza sa kanyang Instagram Story.
Sabi niya sa caption, "Thank you for being there for me even when it's hard."
Read: Enrique Gil beats breakup allegations after sweet birthday post for girlfriend Liza Soberano
