PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Grand PH 2023: Bloopers and Fun

...featuring 3 candidates and Pambansang Ginoo.
by Rachelle Siazon
Published Jul 14, 2023
Miss Grand Philippines 2023 bloopers
(L-R) Miss Occidental Mindoro Gabrielle Basan Runnstrom, David Licauco, and Miss Angono Rizal Herlene Budol spice up the coronation night of Miss Grand Philippines 2023.
PHOTO/S: Nikko Tuazon

Agaw-eksena sa Miss Grand Philippines 2023 ang mga hindi inaasahang bloopers ng ilan sa mga kandidata.

Sa segment para sa mala-declamation contest na speech ng Top 15 candidates, isa-isa silang sumalang para ilatag ang kani-kanilang advocacy.

Pero hindi na ata kinaya ng ilan sa aspiring beauty queens ang long program ng pageant lalo na't past 12:30 a.m. na.

Read: Nikki de Moura of Cagayan de Oro crowned Miss Grand Philippines 2023

MISS OCCIDENTAL MINDORO

Una na rito si Miss Occidental Mindoro Gabrielle Basan Runnstrom na waring magtataray habang ini-enunciate ang kanyang pambungad na linyang, "The world is filled with chaos, noise, and division."

Pero maya-maya pa, nang sabihin niya sa audience na, "Let us take a moment to remember..."

Kapansin-pansing napahinto siya, natawa, napahinga nang malalim, at mabining inilagay ang dalawang kamay sa kanyang likuran.

Hindi malinaw kung may kakaiba siyang nararamdaman o kung sadyang nakalimutan niya ang sasabihin dahil "virtues" na lang ang sumunod niyang tinuran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nito ay nag-dead air na siya.

From the audience, may maririnig na sumigaw ng, "Kaya mo iyan! Tiwala lang!"

Dalawang beses pang napahawak si Miss Occidental sa kanyang tiyan at huminga nang malalim bago tuluyang nag-"Thank you."

Ang nakakabilib sa kanya ay poised siya throughout that moment, at bumalik siya sa kanyang puwesto in a graceful manner.

Read: 11 stunning national costumes at Miss Grand Philippines 2023 prelims

MISS ANGONO, RIZAL

Si Miss Angono, Rizal Herlene Budol naman ay pinili ang wikang Filipino sa kanyang speech na isinalin sa Ingles ng kanyang translator.

Pero tila sa sobrang nerbiyos ay may isang punto na napahinto siya at napasigaw ng, "Wooohhh!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Herlene Budol makes it to Top 15 of Miss Grand Philippines 2023; bags four special awards

Sa Q&A portion ay wikang Filipino rin ang ginamit ni Herlene para sagutin ang tanong na kung ano sa tingin niya ang pinakamalubhang problema ng kabataan.

Natawa ang audience nang pagkatapos niyang sumagot ay hiniritan niya ang kanyang interpreter, "I-English-in niya po!"

@pepalerts @budol.collections with her translator at the Q&A segment of #MissGrandPhilippines 2023 #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? Chill Vibes - Tollan Kim

DAVID LICAUCO

Samantala, guest performer ang Pambansang Ginoo na si David Licauco, pero hindi rin siya nakaligtas sa mapanuring netizens na nanood ng pageant.

Bago ang speech ng Top 15 ay sumalang siya sa kanyang live performance ng kantang "Wherever You Will Go" ng The Calling.

Tila effortless ang performance ni David in such a way na dire-diretso lang siya sa pagkanta.

Kuha naman niya ang mga matataas na notes, pero kapansin-pansing kulang sa feelings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento tuloy ng ibang netizens, parang nasa family reunion lang si David at napilitang kumanta dahil sa request ng mga tiyahin.

May ibang nagbiro na hindi nila masisi si David dahil baka 6 p.m. daw ang call time nito, pero 12 midnight na nang sumalang sa stage.

Pagkatapos ng number niya ay wala nang sinabi pa si David at mabilis lang na nag-exit sa likod ng stage.

Read: Enrique Gil addresses breakup rumors with Liza Soberano: "We’re good, we’re good."

MISS SULTAN KUDARAT

Natapilok naman si Miss Sultan Kudarat Dianne Pampura habang rumarampa sa Evening Gown competition ng Top 15 candidates.

Pero kahit naapakan niya ang sariling gown, at least ay hindi siya sumemplang sa stage at tuloy lang uli sa pagrampa.

On a funny note, napaka-high energy ng pagrampa ni Miss San Leonardo Nueva Ecija Bea Fajardo sa evening gown competition.

Hindi ito blooper actually, pero standout ang pag-wave niya, pag-flying kiss, maging ang pagwasiwas ng kanyang veil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

@pepalerts @BEA FAJARDO steals the show at the #MissGrandPhilippines 2023 Top 15 evening gown competition #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - PEP.ph
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Miss Occidental Mindoro Gabrielle Basan Runnstrom, David Licauco, and Miss Angono Rizal Herlene Budol spice up the coronation night of Miss Grand Philippines 2023.
PHOTO/S: Nikko Tuazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results