PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Christian Vazquez Thanks ABS-CBN, GMA-7

He will play former Senator Manny Villar in a biopic movie.
by Rommel Gonzales
Published Jul 16, 2023
Christian Vasquez
Christian Vasquez plays former senator Manny Villar in the biopic film Kuya: The Gov. Edwin Jubahib Story, which also stars Richard Quan, directed by Francis "Jun" Posadas. The movie depicts the life story of incumbent Davao del Norte Governor Edwin Jubahib.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Gaganap bilang si dating Senador Manny Villar ang aktor na si Christian Vazquez sa bagong pelikulang Kuya: The Governor Edwin Jubahib Story.

Lahad niya, “Actually, this is the second time I played Manny Villar.

“Yung una sa TV, sa Magpakailanman, life story ni misis, ni Cynthia Villar, parang ganun, and ito ngayon sa movie.”

Ang tinutukoy ni Christian ay ang February 2019 episode ng Magpakailanman na "Tatlong Henerasyon ng Sipag at Tiyaga," kung saan ang gumanap na Cynthia ay si Glydel Mercado.

Ang Kuya: The Governor Edwin Jubahib Story as isang biopic movie na pagbibidahan ng award-winning actor na si Richard Quan, sa direksiyon ni Francis "Jun" Posadas.

Tungkol ito sa buhay ni Governor Edwin Jubahib ng Davao Del Norte.

Ano ang naging bahagi ni former Senator Manny sa buhay ni Governor Edwin?

Tugon ni Christian, “Kasi kinuha niya si Governor Edwin na maging campaign manager niya. And I think what we’re trying to show is kung gaano ka-truthful si Gov. Edwin sa mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi money was involved sa campaign, and, yun nga, binigyan niya [Manny] ng pera for the campaign, and hindi naubos ibinalik ni Gov yung pera sa kanya.

“Based sa script kasi, hindi normal na binabalik pa yung sobrang pera pero sa kanya, ibinalik niya.”

Ikinatuwa raw ni Christian na muli siyang gaganap bilang dating Senator Manny sa isang proyekto.

“Pero maiksi lang kasi yung character ko dito, e. So yun lang siguro yung ano, natuwa ako kasi pag pangatlo baka bibigyan na ako ng lupa ni Manny Villar,” at natawa si Christian.

CHRISTIAN NOT INTERESTED IN JOINING POLITICS

Hindi raw nag-ambisyon si Christian na maging isang pulitiko.

Pero may mga nag-alok na raw sa kanya na tumakbo bilang public official pero tinanggihan niya.

Pag-amin niya, “Parang hindi lang siya para sa akin, siguro.”

Bilang konsehal sa probinsiya nila sa Bacolod ang inialok dati kay Christian.

Dagdag niya, “Sa tingin ko, hindi ko siya matatrabaho nang maayos kasi… iba siguro yung hilig ko. Parang ang politics is hindi, e, hindi talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi nakikita ko yung trabaho nila, mahirap, e. So parang mahirap tanggapin yung isang bagay pag hindi naman buo yung puso mo.”

Para lamang daw siya sa mundo ng showbiz. Sa katunayan ay kasalukuyang napapanood si Christian sa dalawang teleserye, sa Voltes V: Legacy ng GMA-7 at sa The Iron Heart ng ABS-CBN.

Read:

CHRISTIAN HAPPY ABOUT HIS TV SHOWS AIRING ON gma-7, abs-cbn

Ano ang masasabi niya na napapanood siya ng sabay sa dalawang teleserye sa dalawang TV stations sa bansa?

Pag-amin niya, “Nakakatuwa, nakakatuwa. Yung feeling kasi na nakikita mo yung characters mo na magkaiba.”

Gumaganap si Christian sa Voltes V: Legacy bilang Boazanian na si Zambojil at sa The Iron Heart naman bilang si Orcus.

“So natutuwa ako… magkaiba sila, e. So parang as an actor na pakiramdam ko na nagagawa ko yung trabaho ko nang maayos,” pagpapasalamat niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Una raw nag-taping si Christian para sa Voltes V: Legacy at tapos na ang taping nila para sa top-trating sci-fi series ng Kapuso Network.

Samantala, ongoing pa raw ang taping ng The Iron Heart.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa set ng shooting ng Kuya sa Antipolo noong June 21.

Masaya rin daw si Christian sa napakataas ng rating ng Voltes V: Legacy.

Aniya, “Nakakatuwa kasi yun yung result ng group effort niyo, yung ratings. So nakakatuwa, sobrang nakakatuwa.”

Ipinagpapasalamat rin ni Christian na hindi magkatapat na umeere ang Voltes V: Legacy at The Iron Heart.

Ano kaya ang naging reaksiyon niya kung nagkatapat ang dalawa niyang proyekto?

“Wala siguro akong magagawa,” ang natatawang sagot ni Christian,

“Kasi nung nag-shoot kami, hindi ko alam kung anong time [slot] yun e, wala, e, hindi ko naman tinanong.”

Pareho ng kapalaran sina Christian at Epy Quizon; si Epy ay napapanood rin sa Voltes V: Legacy bilang Boazanian ring si Zuhl at nasa cast rin ng Dirty Linen bilang si Ador na kasalukuyang umeere sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam niyo naiisip ko rin yan, e. Paano kunwari pag nagkaroon ka ng show na magkatapat? Parang, for me ha, parang… okay yun, e.

“For me, okay yun. Yun lang, siyempre sa production hindi okay siguro iyon,” sinabi pa ni Christian na mina-manage ni June Rufino.

Bukod kina Christian at Richard ay nasa Kuya: The Gov. Edwin Jubahib Story sina Bembol Roco, Juan Rodrigo, Marissa Delgado, Levi Ignacio, Marife Necesito, at Tracy Perez.

Si former Isabela Congressman Arnel Ty ang tumatayong executive producer ng pelikula. Si Raymond Ngan naman ang line producer, at ang sumulat ng screenplay ay si Henry Nadong.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christian Vasquez plays former senator Manny Villar in the biopic film Kuya: The Gov. Edwin Jubahib Story, which also stars Richard Quan, directed by Francis "Jun" Posadas. The movie depicts the life story of incumbent Davao del Norte Governor Edwin Jubahib.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results