PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA stars na pakilig sagot sa date proposals

Ang sweet naman!
by Bong Godinez
Published Jul 16, 2023
Paul Salas, Mikee Quintos, Rabiya Mateo, Jeric Gonzales
Paul Salas and Mikee Quintos went for a romantic dinner date, while Jeric Gonzales picked up Rabiya Mateo at the airport holding a bouquet of flowers. Paul and Jeric's romantic gestures were a way for them to sweetly ask their girlfriends to be their dates for the forthcoming GMA Gala 2023.
PHOTO/S: Sparkle GMA Artist Center (Instagram), Rabiya Mateo (Instagram)

Inaabangan na ng marami ang nalalapit na GMA Gala 2023 na gaganapin sa July 22, 2023.

Kapanapanabik at masasabing unpredictable ang Kapuso event na ito ngayong taon dahil sa mga naganap nitong mga nakalipas na buwan.

Isa na rito ang usap-usapan na diumano ay may mga Kapamilya stars na rarampa dulot na rin ng magandang relasyon ngayon ang GMA Network at ABS-CBN.

Read: GMA-7, ABS-CBN sign historic deal for 'It's Showtime' airing on GTV

Excited din ang fans na makita kung sinu-sino ang ka-partner ng kanilang mga paboritong artista sa gabing iyon.

Speaking of which, nagsimula na ang ilang Kapuso stars na humingi ng permiso sa kanilang napupusuan na i-date for the gala.

Kanya-kanya siyempre sa paandar ang mga ito para maipakita in a creative yet sweet way ang pakiusap para sa kanilang desired partner.

Narito lamang ang ilan sa nakakakilig na date proposals ng mga bituin ng Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PAUL SALAS AT MIKEE QUINTOS

Romantic dinner date ang naisip na gawin ng aktor na si Paul Salas para maiparating sa kanyang girlfriend na si Mikee Quintos ang hiling nito na maging partner sa GMA Gala 2023.

Read: Mikee Quintos: Meant to be in the limelight

“Can you be my… GMA Gala date?” ang tanong ni Paul kay Mikee.

Paul Salas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasulat sa plato ang tanong ni Paul at pinost ng Sparkle sa Instagram account nito ang larawan kasama si Paul na nakangiti.

Mikee Quintos

Magkasintahan sina Paul at Mikee kaya tiyak na pagbibigyan ng huli ang sweet na pakiusap ng aktor.

KLEA PINEDA AT Katrice Kierulf

Dinaan naman ng Kapuso actress na si Klea Pineda sa series of questions ang kanyang date proposal sa kasintahan na si Katrice Kierulf.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa TikTok video na pinost ni Klea ay makikita at maririnig ito na nagtatanong kay Katrice bago tuluyang hingin ang permiso nito.

Klea Pineda, Katrice Kierulf

"Do you love me?" tanong ni Klea na sinagot naman ng "Yes" ni Katrice.

"Do you wanna spend the rest of your life with me?" follow-up question ni Klea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I’d love to, honey," sagot ni Katrice.

Dito na pinasok ni Klea ang tanong na, "Will you be my date on July 22 for GMA Gala Ball?"

Wala namang kakurap-kurap na pumayag si Katrice at sinabing, "Yes, baby!"

Marso ng taong ito ng inanunsyo ni Klea na siya ay proud member ng LGTBQIA+ community.

Read: Kapuso actress Klea Pineda comes out as gay

Kasunod nito ay ipinakilala ni Klea on national television si Katrice bilang kanyang kasintahan.

Read: Celebrities spotted at Pride events over the weekend

JERIC GONZALES AT RABIYA MATEO

Nagulat at natuwa naman ang beauty queen na si Rabiya Mateo sa date proposal ng boyfriend na si Jeric Gonzales.

Sinalubong ni Jeric na may bitbit na bouquet of flowers si Rabiya paglabas nito sa airport.

May bitbit ding banner si Jeric na may nakasulat na "Will you be my GMA Gala date, Rabiya?"

At ang sagot ni Rabiya? "Yes" siyempre at masaya ring ibinahagi ng beauty queen-turned-actress ang pangyayari sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"She said Yes!!! Thank you sa pagpayag na maging date ko on GMA Gala, I love you @rabiyamateo," post ni Jeric sa Instagram.

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales

March 16, 2022 nang kumpirmahin ni Rabiya ang relasyon nila ni Jeric sa pamamagitan ng pag-post ng pictures ng sweet moments nila sa Bohol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buwan ng Hunyo naman ng kumalat ang balita na hiwalay na diumano ang dalawa.

Lalong umugong ang balita matapos na alisin ni Rabiya sa Instagram ang sweet photos nila ni Jeric.

Subalit matapos ang ilang buwan ay lumutang ang usap-usapan na tila nagkabalikan na ang dalawa matapos silang makita sa magkasama in public.

February 15, 2023, naman ng aminin ni Jeric sa Fast Talk with Boy Abunda na muli silang nagkakapalagayan ng loob ni Rabiya.

Nung gabi ring iyon ay tila kinumpirma na rin ng aktor na nagkabalikan na sila ng dating kasintahan matapos itong mag-post ng sweet message para kay Rabiya.

“Hindi pa siguro late para bumati? Happy Valentine’s my love Rabiya. I will and always love you!” mensahe ni Jeric.

Read: Rabiya Mateo and Jeric Gonzales: A relationship timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paul Salas and Mikee Quintos went for a romantic dinner date, while Jeric Gonzales picked up Rabiya Mateo at the airport holding a bouquet of flowers. Paul and Jeric's romantic gestures were a way for them to sweetly ask their girlfriends to be their dates for the forthcoming GMA Gala 2023.
PHOTO/S: Sparkle GMA Artist Center (Instagram), Rabiya Mateo (Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results