Inamin ni Andrea Brillantes na noong nagbakasyon siya sa Spain ay heartbroken siya.
Ito ay dahil sa hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Ricci Rivero noong June 2023.
Read: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations
Tatlong lugar sa Spain ang pinasyalan ni Andrea: Seville, Toledo, at Granada.
Pero heartbroken daw o hindi, itutuloy talaga ni Andrea ang bakasyon niya.
Sa vlog ni Vice Ganda na lumabas Linggo ng gabi, July 16, 2023, sinabi ni Andrea na kadalasan ay mabilis siyang maka-move mula sa isang failed relationship.
Ayon sa aktres, “Madalas po kasi nakaka-move on na ako ng three to five business days."
Pero itong breakup daw nila ni Ricci ay nalungkot siya sa loob ng isang buwan.
Aniya, “Sa one month na yun, parang lahat ng stages ng acceptance [naranasan ko].”
Paano ba ma-in love ang isang Andrea?
Pag-amin niya, “Bakla din ako magmahal. Bakla ako magregalo. Sobra."
Tanong ni Vice, “Ano pinakamahal mong binigay sa jowa?”
Diretsahang sagot ni Andrea, "Siguro umabot ng milyon.”
Pero hindi naman daw ito bagay dahil ang ginawa niya ay ipinilit niyang maisama ang hindi pinangalanang ex-boyfriend sa isang proyekto kahit hindi naman talaga dapat ito ang kukunin.
Ang nangyari raw, ibinawas sa kanyang talent fee ang ipinambayad sa nasabing ex-boyfriend.
Ayon pa sa kanya, “Kahit papano ay wala akong pinagsisihan kasi nagmahal ako.”
Ikinuwento naman ni Vice na noong panahon niya ay usung-uso ang bawian ng mga naibigay na regalo lalo kapag hindi maganda ang breakup.
Tanong ni Vice kay Andrea, “May mga babaeng nagsosoli, o may mga lalaking nagsosoli. Ikaw nagsoli ka ba ng mga gifts?”
“Hindi,” sagot ng actress-influencer.
Gayunman, nilinaw ni Andrea na hindi niya binabawi sa mga naging ex-boyfriend niya ang mga bagay na ibinigay niya sa mga ito.
Tanong pa ni Vice, “Wala namang ni-require na soli? Kasi yung iba, di ba, parang, 'Since hindi naman na tayo baka puwedeng ibalik na lang natin.'
"Walang ganoon?”
Makahulugang tugon ni Andrea, “Kasi alam mo, Meme, kapag kinuha ko kasi lahat ng binigay ko sa kanya, wala na siyang gamit sa condo niya.”
Sino kaya ang tinutukoy ni Andrea rito?
