Nagsisimula na ang magandang samahan sa pagitan ng Kapamilya stars at Kapuso stars dahil sa paglipat ng It’s Showtime sa free-to-air channel ng GMA na Good Television o GTV.
Read: 'It’s Showtime' gives its all in GTV premiere
Sa Instagram post na ibinahagi ng main host ng Its’ Showtime na si Vice Ganda kagabi, July 5, 2023, makikitang nakipag-bonding siya sa ilang Kapuso stars.
Kasama sa grupo sina Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, Ken Chan, at magkapatid na sina Rayver Cruz at Rodjun Cruz.

Ibinahagi rin ni Vice sa kanyang Instagram Story ang inuman nila sa isang bar, kasama ang iba pang mga kaibigan.

Starstruck naman si Kyline kay Vice.
Caption ng Kapuso actress sa kanyang Instagram Story, kalakip ang litrato nila ni Vice, “Sobrang saya ko na nakausap na po kita, ate @praybeytbenjamin. Thank you for answering all my questions last night about the industry. You are an inspiration [heart emoji]. #FanGirlMoment."

Sabi naman ni Ken sa isang group photo nila, “Welcome to the family @praybeytbenjamin.”

Ang pakikipag-bonding na ito ni Vice sa ilang Kapuso stars ang patunay sa naging pahayag niya sa podcast na Updated with Nelson Canlas noong July 4, kung saan sinabi niyang may ilan na rin siyang Kapuso friends.
Saad ni Vice, “Kasi ako, nagkakaroon lang ako ng friends from GMA, kunyari may event, yung mga fashion balls...
“Nagkikita kami sa mga ganyan, o kaya kunwari sa gimikan bigla kaming magkikita. Tapos nagha-hi kami sa isa’t isa.”
Binanggit ni Vice ang Kapuso stars na naging kaibigan niya matapos makasama sa ilang events.
“Dati nga may mga classmate na ako sa mga gimikan, e.
“Si Rocco Nacino, ang tawag sa akin niyan, classmate. Kasi dati, nung bagets-bagets pa ako, nagkikita kami sa BGC.
“Tapos sila Ruru [Madrid] tsaka si Bianca [Umali], nagkakasama kami sa mga events, sa mga fashion events, hanggang sa naging friends-friends na kami.
“Nag-uusap kami sa Instagram, sila Ken Chan...”
Read: Vice Ganda looks forward to more Kapamilya-Kapuso interaction
Dapat daw ay marami pang Kapuso stars ang maggi-guest sa unang sultada nila sa GTV noong July 1, 2023, ngunit hindi na pasok sa kanilang schedule.
Read: Kapuso stars appear on 'It’s Showtime': “Ang saya naman dito!”
