Nadulas si Charlie Dizon at biglang inamin ang relasyon nila ni Carlo Aquino.
Nangyari ito sa guest appearance ng Kapamilya actress sa morning show ng TV5 na Gud Morning Kapatid nitong Huwebes ng umaga, July 20, 2023.
Read: Did Carlo Aquino just confirm his relationship with Charlie Dizon?
Sa huling bahagi ng questing nila ni Joseph Marco para i-promote ang serye nilang Pira-Pirasong Paraiso, may ipinakita ang mga host na larawan sa screen.
Una muna ang larawan ng girlfriend ni Joseph, ang Russian model-influencer na si Dasha Romanova.
Kasunod na ipinakita ay ang larawan ni Carlo.
Bigla na lamang sinabi ni Charlie na, “Opo, boyfriend ko po siya.”
Matapos nito, sinabi ng dalaga, “Ay, first time ko sinabi sa inyo yan.”
Paano sila nag-click?
Sagot ni Charlie, “Paano nag-click? Di ko alam, e, kasi makuwento talaga akong tao.
"Tapos siya yung tahimik, so siguro dun, na-balance.”
Read: Instagram official? Carlo Aquino flexes Charlie Dizon on Instagram
December 2022 nang unang umugong ang usapang may espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa matapos mag-post si Charlie ng sweet photo nila ni Carlo, kasama ang ilang non-showbiz friends, nang nagdaos sila ng isang holiday dinner.
Makikita sa mga larawan na magkatabi sina Charlie at Carlo.
Read: Is Charlie Dizon in relationship with Carlo Aquino?
Ang huling nakarelasyon ni Carlo ay si Trina Candaza, na nauwi rin sa hiwalayan kahit mayroon silang isang anak na babae.
