Maraming sorpresa ang naganap sa red-carpet ceremony ng GMA Gala 2023 na ginanap sa Grand Ballroom ng Manila Marriott Hotel sa Pasay City ngayong gabi, July 22, 2023.
Read: Red-carpet looks at GMA Gala 2023
Isa sa mga kaabang-abang ay ang pagdating ng Kamamilya stars sa annual Kapuso gala.
Nauna nang naibalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kasama sa mga confirmed attendees ay ang It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Jhong Hilario, at Vhong Navarro.
Read: GMA-7’s power couples and prized stars, It’s Showtime main hosts attending GMA Gala 2023

Nitong nakaraang July 1, 2023, nagsimulang umere sa GMA free channel na GTV ang It’s Showtime ng ABS-CBN.
Read: 'It’s Showtime' gives its all in GTV premiere
Dumating din sina ABS-CBN President Carlo Katigbak at Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes.

Present din ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia, na kasalukuyang kasama sa collab ng GMA-7 at Dreamscape Productions ng ABS-CBN na Unbreak my Heart.

Dumating din ang dating ABS-CBN veteran host na si Ces Drilon.

Spotted din ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz at ang kanyang mga assistants.

Ang GMA Gala 2023 ay isang fund-raising event para sa GMA Kapuso Foundation.
Read:
Beauty and fashion standouts at GMA Gala 2023
