"Masyado nang mahaba ang buhok ni Barbie, kailangan nang gupitan, charot."
Ganito ang biro ng mga netizen sa Kapuso actress na si Barbie Forteza matapos lumabas ang magkakahiwalay na panayam nina Jak Roberto, David Licauco, at Joshua Garcia sa ginanap na GMA Gala 2023 noong Sabado, July 22.
Sa magkakaibang panayam ay nabanggit ng tatlong aktor ang pangalan ng Kapuso actress.
Read: Barbie Forteza hits the red carpet solo; looks amazing in mint green gown at GMA Gala 2023
Una sa panayam ng real-life boyfriend ni Barbie na si Jak, kung saan tinanong siya ng "If you could have dinner with anyone in the world, who would it be and why?"
"Barbie Forteza lang sakalam [malakas], " diretsahang sagot ni Jak.
Natanong din si Barbie tungkol dito at ang sinagot niya ay ang award-winning singer-songwriter na si Taylor Swift.
Saad ng Kapuso actress, "Taylor Swift. My gosh, hingi ako ng ticket."
Kumalap ito ng samu't saring reaksiyon lalo na sa co-Swifties ni Barbie na relate na relate sa sinabi nitong pinipili niyang maka-dinner si Taylor para makahingi siya ng ticket sa concert nito.
Agad ding ni-repost ni Barbie ang panayam ng kanyang nobyo kalakip ang caption na (published as is), "6yrs na tayong nagdidinner together! Hahaha! Dessert naman."
Read: GMA Gala 2023 red carpet arrivals: Ladies in muted tones
DAVID LICAUCO
Para naman sa ka-love team niyang si David, paborito niyang teleserye ang Maria Clara at Ibarra at ang mga eksena nila ni Barbie dito ang hanggang ngayon ay hindi niya makalimutan.
Tanong kay David, "What is your favorite Kapuso series or show of all time?"
"Maria Clara at Ibarra," mabilis niyang sagot.
Sundot na tanong sa kanya, "Fondest memories of the show?"
Nakangiting sagot ng Kapuso actor, "All the scenes with Barbie Forteza."
@pepalerts Grabe naman ang pakindat ni @David Licauco kay @Barbie Forteza #GMAGala2023 #NewsPH #EntertainmentNewsPH #PEPatGMAGala2023 #SummitAtGala2023 ? original sound - PEP.ph
Ni-retweet din ito ni Barbie, kalakip ang caption na, "Ba't ka napangiti? Ano naalala mong memory? Hahahaha! Can’t wait to do more scenes with Carding!"
Ang "Carding" na tinutukoy ni Barbie ay ang karakter ni David sa bago nilang pagsasamahang teleserye na Maging Sino Ka Man.
Read: Barbie Forteza, Jak Roberto, at David Licauco solo-solong maglalakad sa GMA Gala 2023?
JOSHUA GARCIA
Maging ang Kapamilya leading man na si Joshua ay napahanga rin sa charisma ni Barbie.
Isa si Joshua sa mga special guest ng annual red carpet ng Kapuso Network dahil sa Unbreak My Heart, ang teleserye niyang collaboration ng ABS-CBN at GMA Network.
Dito tinanong ng GMA News Online si Joshua kung sino ang celebrity best dresssed Kapuso star para sa kanya.
Read: Barbie Forteza is Joshua Garcia's bet for Best Dressed at GMA Gala 2023
Sagot ng Kapamilya actor, "Barbie. Siya yung nasa harapan ko kanina, sabi ko, 'Ang ganda ng dress nito. Hindi siya ganun ka-flashy pero at the same time, nandun yung pagka-elegante nung babae."
Nakarating naman ito ay Barbie at agad niyang pinasalamatan si Joshua sa pamamagitan ng pag-retweet niya sa video clip ng interview nito.
Ani Barbie, "Tama ka naman diyan. Hahaha! Salamat [wink and blue heart emoji]."
Ni-retweet din ni Joshua ang tweet na ito ni Barbie ngayong gabi, July 24.
Biro niya rito, "Pa-tip nalang po o pa-five star, salamat po! [wink emoji]."
Read: Barbie Forteza thanks Joshua Garcia for choosing her as Best Dressed celeb at GMA Gala 2023
Hindi lamang iyon ang interaction ng dalawa.
Bago pa man magsimula ang GMA Gala ay nagkita na sina Barbie at Joshua sa holding area bago rumampa sa red carpet sa Manila Marriott Hotel sa Pasay, City.
Personal pang nakunan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang batian at besohan ng dalawa.
Nakangiting pag-welcome ni Barbie kay Joshua, "Hi! Thank you for coming!"
Agad namang yumuko at tumango si Joshua na senyales ng kanyang pagpapasalamat sa mainit na pagbati ni Barbie sa kanya.
@pepalerts @JOSHUA GARCIA meets @Barbie Forteza #NewsPH #EntertainmentNewsPH #GMAGala2023 #PEPatGMAGala2023 #SummitAtGMAGala2023 ? original sound - PEP.ph
