PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA Gala 2023 Solo Walk

'It's Showtime' hosts, kumpirmado ang pagdalo sa GMA Gala 2023.
by Jojo Gabinete
Published Jul 22, 2023
barbie forteza jak roberto david licauco
Matuloy kaya ang plano na solong maglalakad sa red carpet ng GMA Gala 2023 sina Barbie Forteza, Jak Roberto, at David Licauco para maiwasan ang mga isyu?
PHOTO/S: Sany Chua / @davidlicauco on Instagram

Ang GMA Gala Night na ginaganap sa Marriott Hotel, Pasay City, ngayong Sabado, July 22, 2023, ang isa sa mga pinakamalaki at magarbong showbiz event na tiyak na tututukan ng mga tagahanga dahil interesado silang makita ang kasuotan ng mgainiidolo nilang artista.

Read: GMA-7’s power couples and prized stars, It’s Showtime main hosts attending GMA Gala 2023

Hindi mawawala sa GMA Gala ang traditional red-carpet walk ng mga imbitadong artista kaya malalaman ang katotohanan sa balita na, diumano, solong rarampa sina Barbie Forteza, Jak Roberto, at David Licuaco.

Kanya-kanya umano ang paglalakad ni Barbie at ng kanyang boyfriend na si Jak sa red carpet upang maiwasan ang bayolenteng reaksiyon ng selosong fans ng loveteam nina Barbie at David.

Read: Barbie Forteza, thankful na di seloso ang BF niyang si Jak Roberto

Solo ring maglalakad si David para hindi raw magalit ang mga sumusuporta sa real-life relationship nina Barbie at Jak, pero magkakaalaman ngayong gabi kung matutuloy ang nasabing plano o setup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Barbie Forteza's love-team partners through the years

Tiniyak ng It’s Showtime insider sa Cabinet Files na sigurado ang pagdalo sa GMA Gala 202 ng mga host ng programa na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, at Jhong Hilario na imposibleng mangyari noong maigting pa ang network war sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7.

Naging maganda ang relasyon ng Kapuso at Kapamilya Networks nang magkaroon sila ng mga partnership matapos na hindi pagkalooban ng franchise ang ABS-CBN noong July 2020.

Tumibay ang kanilang business relationship buhat nang mapanood sa GTV ang It’s Showtime simula noong July 1, 2023. Ang GTV ang subsidiary network ng GMA Network Inc.

Sigurado rin ang pagdalo sa GMA Gala Night nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ito ang unang pagkakataonng makikita ang dalawa na magkasama sa isang showbiz gathering ilang araw makalipas ang pinag-usapan na marriage proposal ni Dominic sa future wife niya.

Read: Bea Alonzo and Dominic Roque engaged!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa ulat ng 24 Oras noong Biyernes, July 21, naganap sa Bataan ang marriage proposal ni Dominic kay Bea. Pero nangyari ito sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City noong July 18, 2023 kaya nalito ang mga sumusubaybay sa kuwento.

Malinaw namang makikita na nakalagay sa proposal video na inilabas ni Dominic na inalok nito ng kasal si Bea sa Quezon City branch at hindi sa sangay ng Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matuloy kaya ang plano na solong maglalakad sa red carpet ng GMA Gala 2023 sina Barbie Forteza, Jak Roberto, at David Licauco para maiwasan ang mga isyu?
PHOTO/S: Sany Chua / @davidlicauco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results