Isang pajama party ang inihanda ni Sylvia Sanchez bilang bridal shower para sa kanyang future daughter-in-law na si Maine Mendoza, na malapit nang ikasal sa panganay na anak ng aktres na si Arjo Atayde.
Idinaos ang party noong Linggo ng gabi, July 23, 2023.
Para kay Sylvia, ito ang pagpapakilala niya kay Maine sa kanilang malaking pamilya.
Caption ni Sylvia sa kanyang post sa Instagram kahapon, July 24, “Happy to welcome you to our big happy and crazy family.
“Soon!!! Mrs Maine Mendoza Atayde ka na.
“Can’t wait for the Big Day [big day]
“Love you, my soon to be Daughter in law.
"#ataydememdoza Happy afternoon”
View this post on Instagram
Malaki naman ang pasasalamat ni Maine sa sorpresang inihanda ni Sylvia para sa kanya.
“Future mom” kung tawagin ni Maine si Sylvia.
Buong komento niya, “Aahhhh thank you so much Roco, Campo, and Atayde family for last night [heart emoji]
“Had such a wonderful time with everyone. Thank you, tita… future mom!!! Love you [heart emoji]”

Hindi nakarating ang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde sa party, pero nagpaabot siya ng mensahe kay Maine.
Post ni Ria sa kanyang Instagram Story, “Sad to have missed this but happy everyone had a great time [heart emoji]
“Welcome to the family, @mainedcm”

Nagdaos na rin ang E.A.T. at legit Dabarkads ng bridal shower para kay Maine noong nakaraang Sabado, July 22, 2023.
Read: Maine Mendoza gets emotional in bridal shower on 'E.A.T.'
Hinuhulaang bago magtapos ang Hulyo ay ikakasal na sina Maine at Arjo.
Na-engage ang dalawa noong July 29, 2022.
