PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maine Mendoza, suporta sa TVJ at Dabarkads

Maine Mendoza, tikom ang bibig sa detalye ng kasal nila ni Arjo Atayde.
by PEP Troika
Published Jun 21, 2023
maine mendoza legit dabarkads
Maine Mendoza as loyal Dabarkads: "Masaya kami, it’s an honor na ipinaglaban ng TVJ. And yun ang maibabalik namin sa kanila na maipaglaban namin sila and makasama namin sila sa ano mang laban and tatahakin nila, and tatahakin namin in the future as Dabarkads."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Sinabi mismo ni Maine Mendoza na naka-leave siya ngayon dahil naghahanda na siya sa nalalapit na kasal nila ni Quezon City Congressman Arjo Atayde.

Pero dumalo pa rin siya sa TVJ and Dabarkads Media Day na ginanap sa TV5 Media Center nung Martes, June 20, 2023.

Kailangang kasali raw siya bilang patuloy ang suporta at pagpapahayag ng loyalty kina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Read: Vic Sotto on Eat Bulaga! trademark: "Kukunin lang ng kung sinu-sino? Aba! Hindi puwede."

“Naka-leave na talaga ako for the wedding planning. So, naka-allot na yung June and July ko for the wedding planning,” pakli ni Maine nang sandali naming nakatsikahan pagkatapos ng mediacon ng TVJ kasama ang Legit Dabarkads.

“So, ayun siyempre, hindi ko naman sila puwedeng iwan sila sa mga ganito. Tulad nga ng sinabi nila, kung ano yung laban nila, laban din namin.

“Masaya kami, it’s an honor na ipinaglaban ng TVJ. And yun ang maibabalik namin sa kanila na maipaglaban namin sila and makasama namin sila sa ano mang laban and tatahakin nila, and tatahakin namin in the future as Dabarkads.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat kami, kusang loob. Desisyon naming lahat. Wala sa amin na pinilit. Lahat ito in a heartbeat na talagang sasama kami sa kanila,” dagdag niyang pahayag nang napag-usapan ang pagbibigay-suporta sa TVJ.

Napangiti at napa-oo naman siya nang tinanong namin kung kinuha ba nilang ninong sa kasal sina Tito, Vic & Joey. Pero pagdating sa ilan pang detalye sa wedding, ayaw pa ring sumagot ni Maine.

“Sorry, wala akong isi-share. Pasensiya na po,” pakiusap ni Maine.

Tinanong namin kung handa na ba siya sa mga responsibilidad bilang misis ni Arjo, nagmuwestra lang siyang naka-zipper ang bibig.

maine mendoza tvj media day

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Maine, kahit kasal na sila ni Arjo, tuloy pa rin siya sa pagiging Dabarkads sa bagong noontime show ng TVJ sa TV5 na magsisimula na sa July 1.

“Si Arjo naman, always support. Kung saan ako masaya, and… ako tuluy-tuloy lang ang pagiging legit Dabarkads ko, legit Kapatid. And sabi nga nila, go for the gold and beyond.

“Makikita niyo pa rin ako. Definitely, hindi ako mawawala. Oo, puwede rin naman, oo. It doesn’t stop when I get married and when I get pregnant,” sabi pa ni Maine nang tinanong kung paano pag nabuntis na siya.

Nagulat naman si Maine kung saan daw namin nakukuha ang impormasyong magkasunod sila ng kasal nina Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Hindi naman niya kinumpirma, pero nag-oo siya nang tinanong namin kung dadalo sila sa kasal nina Maja at Rambo.

Ang nasagap kasi ng PEP Troika, sa July 28 daw ang kasal nina Arjo at Maine na gaganapin sa Baguio City, at sina Maja at Rambo naman daw ay sa July 31 na gaganapin sa Bali, Indonesia.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Maine Mendoza-Arjo Atayde, Maja Salvador-Rambo Nuñez weddings, gaganapin sa July 2023?

JERRY OLEA

Nakatsikahan din ng PEP Troika si Sylvia Sanchez nung nakaraang Lunes, June 19. Ayaw rin niyang magbigay ng anumang detalye tungkol sa nalalapit na kasal ng kanyang anak na si Arjo Atayde kay Maine Mendoza.

Iginagalang daw nila ang hiling nina Arjo at Maine na pribado lang talaga ang kasal.

“Hangga’t maaari kung konti nga lang, konti talaga, e. Ayaw nila, e. Kung gusto nga lang, sana pamilya na lang, e. Pero hindi naman puwede, alam mo yun,” saad ng premyadong aktres.

“Basta masaya ako at excited ako. Yun lang yun. Excited ako kasi magkakaapo na ako. Gusto naman daw nila, e,” napangiting pakli ni Sylvia.

maine mendoza sylvia sanchez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Miyembro si Sylvia ng Congressional Spouses Foundation, Inc. dahil binata pa naman si Congressman Arjo.

Pero kapag mag-asawa na sila ni Maine, siyempre ibibigay na raw niya ang responsibilidad na yun sa kanyang magiging manugang.

“Siya na yun,” ani Sylvia. “Nandiyan pa rin ako sa likod ni Arjo, nanay ako, e. Siyempre hindi naman ako mawawala, di ba?

"Pero yung lahat na yan, sila na yan. Support na lang ako.

“E, yung dalawa busy, e. Pag hindi nila kaya, e di ako yung sasalo,” sabi pa ni Sylvia.

NOEL FERRER

Natutuwa lang si Maine Mendoza dahil kasama na raw niya ngayon ang buong Dabarkads sa Kapatid network.

“I’m so happy to be back kasi I’ve done projects with TV5 before, Pop Pinoy and Maine Goals which is currently airing.

“Nakakatuwa lang na parang legit Kapatid na ako, and na-excite din ako for them. Kasi totoo yung sinabi nila na dito sa TV5 talaga, they treat us all well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m not implying anything na hindi kami tini-treat sa ibang lugar kung saan kami before. Pero iba rin ang pag-aalaga nila sa TV5, and nae-excite ako na ma-experience din ng mga Dabarkads and staff namin,” masayang pahayag ni Maine.

Maingat naman ang sagot ni Maine nang may nagtanong kung iniwan na nila ang isa pa ring loyal Dabarkads na si Alden Richards, na prized talent ng GMA-7.

Aniya, “Si Alden naman is legit Dabarkads din. So, hopefully kung mabibigyan ng pagkakataon, sana… Kasi hindi ko rin alam, e, kung papano sa kanila. Pero sana makasama din namin siya dito sa show namin.”

Napakaliit na ng mundo ng telebisyon and collab is the name of the game now.

Sana, makita nating magsitawiran ang stars lalo na ang mga naturingang legit Dabarkads din —Michael V, Alden, Ruru, Bianca, at marami pang iba.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza as loyal Dabarkads: "Masaya kami, it’s an honor na ipinaglaban ng TVJ. And yun ang maibabalik namin sa kanila na maipaglaban namin sila and makasama namin sila sa ano mang laban and tatahakin nila, and tatahakin namin in the future as Dabarkads."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results