PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Jane Oineza open to live-in relationship with RK Bagatsing?

Jane on splitting the bill on a date with RK: "Kung sino ang may kaya..."
by Melba R. Llanera
Published Jul 26, 2023
Jane Oineza and RK Bagatsing
Jane Oineza on splitting the bill with RK Bagatsing during their dates: "Parang nangyayari sa date, di ba, sinasabi nila, 'Ah, dapat lalake ang magbabayad.' Sa amin wala namang ganun. "Equality, same-same tayo. Kung sino ang willing, sino ang may kaya, kung sino ang ano, go lang."
PHOTO/S: @janeoineza Instagram

Tiniyak ni Jane Oineza na seryoso ang relasyon nila ng nobyong si RK Bagatsing at nakikita na niya sa aktor ang lalaking gusto niyang makasama habambuhay.

Aniya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Oo naman, di naman ako pumapasok sa relationship na laru-laro lang. Eventually, darating tayo dun, pero di naman kailangang magmadali."

Si Jane ay 27 years old, habang si RK ay may edad na 35.

Bukas ba si Jane na makasama sa iisang bubong si RK kahit wala pang basbas ng kasal?

Sagot ng aktres, "Pag napag-usapan, siguro. Pero sa ngayon talaga, focus lang kami sa work ng isa't isa, sa pagiging busy. Darating naman tayo dun.

"Depende naman yun sa usapan niyo, depende naman sa relationship yan. Kung makakatulong sa inyo, nasa sa inyo yan."

Sabay binanggit ni Jane ang konsepto ng "swinging" o open relationship kunsaan payag magkaroon ng sexual relationship sa iba ang isang mag-partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang sa movie namin na Swing, kung kayo ay open kayo sa ganung klase ng relationship, nasa sa inyo yung dalawa.

"It doesn't matter kung ano pa ang sabihin ng iba, as long as kayo yun and napag-usapan niyo."

Pero dati nang nilinaw ni Jane na naniniwala sila ni RK sa monogamy at siniguro niyang hindi problema sa kanila ang quality time sa isa't isa.

Nagdiwang sila ng kanilang second anniversary bilang magkasintahan noong May 3.

Sabi pa ni Jane, "Alam niyo, ang nakakatuwa naman sa amin, kahit busy ang isa't isa, di naman kami nangangamba masyado dahil alam namin na nadiyan lang kami for full support.

"Lagi naman ding naghahanap ng oras sa isa't isa. Kunwari, ngayon busy, lagi kaming nag-a-update, lagi kaming nag-uusap."

Nakapanayam ng PEP.ph si Jane sa back-to-back media conference ng Pira-Pirasong Pangarap at Nag-aapoy Na Damdamin, na ginanap sa Luxent Hotel sa Quezon City noong July 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jane Oineza reveals getting offer from other network; decides to stay with ABS-CBN

ON PAYING FOR DATES & their love language

Dahil sa pahayag na isa siyang "strong and independent woman," tinanong si Jane kung pagdating sa pagdi-date nila ni RK ay hati ba sila sa bayaran ng bill.

"Kung sino ang may kaya siya ang magbabayad," sagot ni Jane.

"Parang nangyayari sa date, di ba, sinasabi nila, 'Ah, dapat lalake ang magbabayad.' Sa amin, wala namang ganun.

"Equality, same-same tayo. Kung sino ang willing, sino ang may kaya, kung sino ang ano, go lang.

"Wala namang ganun, parang depende din naman, 'O, sige ako na ito, ako na bahala diyan.'

"Minsan siya din naman ang nagte-take care sa amin. Wala namang issue sa ganun, parang tulungan kami in all aspects."

Pagdating naman love language nila ni RK, aminado si Jane na pareho silang touchy at clingy ng kasintahan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pareho kami pero depende pa rin naman sa love languange, kanya-kanya tayong ways of showing love.

"Pero ako kasi sobrang clingy or touchy as a person. Ang showing of love ko is gusto ko niyayakap, hahawakan ang kamay. Pareho kaming ganun.

"Pero may halo yun na quality time dahil nga nabi-busy kami. Yung moments na mayroon kaming quality time, sobrang mahalaga din sa amin."

Read: How RK Bagatsing, Jane Oineza keep peace in their relationship

ON HER ONGOING PROJECT

Si Jane ay bida sa noontime serye ng ABS-CBN, ang Nag-aapoy Na Damdamin, na napapanood na araw-araw sa ganap na 3:50 ng hapon sa Kapamilya Channel, TV5, at A2Z.

Bukod sa husay sa pag-arte, mapapanood din ang kaseksihan ni Jane sa ilang sexy scenes sa serye. Alam daw ito ni RK.

"Parang alam naman niya na papunta tayo dun, and sa mga nate-taping din naman, nakukuwento ko sa kanya.

"Alam naman niya, wala kaming itinatago sa isa't isa kasi safe space namin yun," sabi ng Kapamilya actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapansin-pansin din ang laki ng ginanda at sineksi ni Jane.

Pinabulaan naman ng Kapamilya actress na sumailalim siya sa enhancement.

"Wala, minsan mahirap. 'Ano ba yan, di nagwo-work ang workout ko.' Pero tiwala lang talaga, kailangan lang talagang go lang nang go.

"Ang nakatuong talaga sa akin is fasting and working out, pero it took a while for me to see results."

Read: Bloopers, sidelights, sweet moments at GMA Gala 2023

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane Oineza on splitting the bill with RK Bagatsing during their dates: "Parang nangyayari sa date, di ba, sinasabi nila, 'Ah, dapat lalake ang magbabayad.' Sa amin wala namang ganun. "Equality, same-same tayo. Kung sino ang willing, sino ang may kaya, kung sino ang ano, go lang."
PHOTO/S: @janeoineza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results