Matagal-tagal nang hindi nag-concert sa Kamaynilaan si Ian Veneracion, kaya excited siya sa forthcoming concert niya sa Agosto 12, 2023, Sabado ng 8:00 p.m., sa Winford Resort & Casino Manila.
“We’re excited because recently when the past year… or more,” pasakalye ni Ian sa mediacon noong Hulyo 24, Lunes, sa ballroom ng Winford Manila.
“Laging mayroon kaming shows sa abroad, and sa mga gigs, sa mga provincial. Matagal na kaming hindi tumugtog sa Manila.
“And I have mga… I call them my Army of Titas, mga supporters natin na nasa Manila na nagre-request sila na, ‘Kailan sa Manila? Kailan sa Manila?’ Yung ganun.
“Next month kasi, may Kilabotitos tour kami ni Ogie [Alcasid] sa U.S. for one month. Mag-iikot kami.
“And yun nga, I just wanted to do yung parang casual get-together with music, with a full band.
“Presented nicely na medyo casual lang para sa mga nagre-request sa Manila, my Army of Titas.
“Chill and kuwentuhan, and to try out new songs also, test out some stuff and it’s going to be very playful. So I’m really excited for that.
“And we’re going to have also on October… set sa Pampanga, the same, same ng ganito, same production.
“Tapos sa December, sa Crystal Wave Talavera. We’re going to do a casual ganito rin. Para iba naman, hindi laging nasa venue na pang-concert talaga o ano.
“So, I did a Christmas-New Year here. Tapos nung nakita namin ang set-up, ‘Let’s do something, let’s do a show,’ na yun nga, medyo ibang setting naman. Hindi yung the usual na pinagtutugtugan namin. So exciting lang.”
Read: Ian Veneracion, nasa pangangalaga na ni Ogie Alcasid
REPORTOIRE EXCLUSIVE FOR ARMY OF TITAS
Nauubos agad ang SVIP tickets sa intimate concerts ni Ian. Iyon bang repertoire niya ay sadyang para sa kanyang Army of Titas?
Paglilinaw ni Ian, “The songs that I play, my repertoire, I base it on my own taste. And it just so happens to resonate also with the titas of my generation.
“Because they know the music. The music that I love, it just so happens na yun din ang music na kinalakihan nila.
“Saka yung sensibility. You know, the humor. It’s very, very much the same frequency.
“Kasi feeling ko, pareho yung mundong nilakihan natin, di ba? Kaya we really resonate.
“And sa akin, pinakaimportante is connecting with a live audience. Kasi it’s something I really enjoy.
“It’s something different compared to movies and TV. Kasi pag live audience, kita mo agad kung nagko-connect kayo o hindi. Tapos instant yung feedback.
“So I really, really enjoy that. Tapos yun, pagkatapos nung connection na yun, yung priority naman, yung music.
“Tapos yung banda natin, matagal ko na silang kabanda. They’re the first call lagi, sa local natin. Mga creme de la creme of musicians here.
“Our sax player, our drummer, the guitarist, bass player. Puro mga beterano. Maganda minsan kasi pag nararamdaman mo na yung chemistry ng banda.
“May part dun, e, na nag-e-enjoy na. Kasi ang ginagawa ko, for example sa rehearsal, may papel yan, di ba?
“Pero pag action-tugtog, walang papel. Dapat pakiramdaman. So yun, mamaya, nararamdaman ko, e! Pag in the zone na sila.
“Parang merong… pati ako, lumulutang. So, may ganung feeling. And I think, the audience also is very much aware of that.
“Even though some wouldn’t admit how much they love the music, or some would you know say that they’re not there for the music naman. They’re just there as fans, blah-blah-blah, yung mga ganun.
“Pero nararamdaman nila yun, e. Tapos nararamdaman ko rin yun, na it plays like a loop. An energetic loop.
“Na ang sarap lang, pare-parehas kayong lumulutang sa sound, sa music. So yun ang sobrang malaking diperensya as to what I’m used to doing which is movies and television.”
Read: Ian Veneracion on setting boundaries with fans: "I only do the things that I wanna do."
TARGET AUDIENCE
Ang naturang Winford Manila concert ay simply titled Ian Veneracion Live.
Considering na opening act dito ang singer-comedienne na si Marissa Sanchez at ang 16-anyos na si Zach Ponce, ano ang target audience ng palabas na ito? Primarily mga tita, o pati mga Gen-Z?

Napabuntong-hininga si Ian, “Yung mga titas, my tita supporters kasi. Yun nga, mas gusto nila yung venue na for example like this.
“Hotel. May valet. The convenience, aircon, food, di ba? E, kasi, yun ang advantage ng mga titas na ahhmm yung iba sa kanila, retired na. Malalaki ang mga bata.
“Saka sino ba ang nasusunod sa bahay? Pag sinabi ng nanay, ‘Pupunta tayo sa concert ni Ian!’ — may magagawa ba tayo?
“Wala! Wala tayong magagawa pag sinabi ng mga nanay natin. Ha! Ha! Ha! Ha! So yun minsan, isinasama nila ang pamilya nila.
“Minsan kasama ang mga bagets na teen-agers na anak nila or sometimes, husband nila.
“Natatawa nga ako, pag minsan, nakikita ko puro babae na titas. Tapos mamaya, makikita kong may asawa at ano dun.
“Na gusto kong i-hug na, ‘Thank you, ha?’ Alam ko, baka hindi siya interested o I think, sinasamahan lang niya yung asawa niya, yung ganun.
“Ahhmm pero narinig na nila yung repertoire, yung banda, nakikita ko naman, nag-e-enjoy sila.”
IAN VENERACION AS AN ACTOR
Tinanghal na MMFF 2022 best actor si Ian para sa pelikulang Nanahimik Ang Gabi. Wala pa ba siyang kasunod na movie?
“Yung movie, wala pang nakaplano ngayon kung kailan ang next movie. Pero na-enjoy ko yung Nanahimik Ang Gabi, kami ni Heaven [Peralejo] and Mon Confiado,” lahad ni Ian.
“Tapos, I’m doing also Iron Heart now with Richard Gutierrez and Jake Cuenca. Yun ang ginagawa ko for the longest time, for the last 40 years. So I love doing that.
“So yun nga, iba lang ang music. Hindi siya comparable, e. Kasi, hindi ko puwedeng piliin na isa lang.
“Kasi hinahanap ng sistema ko yung shoot na may eksena and you get to rest from being yourself.
“That’s what I love about my job as an actor — I can be someone different. And it’s a rest because I get sick and tired of myself, of course.
“Pero yun, biglang… OK, itong karakter ko, ibang tao ako dito. Ang sarap na pahinga. Pero iba rin naman yung nadadala ng music, so it’s not comparable.”
Pagkatapos ng Kapamilya teleseryeng The Iron Heart at ng U.S. concert tour with Ogie, posible bang magbalik-Kapuso siya? Marami-raming shows ang nagawa niya sa GMA-7, mula pa sa That’s Entertainment.
“I have no idea. Anything is possible,” sambit ni Ian.
Naikot ni Ian ang iba’t ibang TV Network. Nag-sitcom siya sa TV5 sa kasagsagan ng pandemya.
Dagdag ni Ian, “Anything is possible talaga. Kumbaga sa… alam mo yun, hindi ako nakasarado.”
Wala siyang na-burn na bridges.
“Wala, wala, wala. Actually yun nga, sana dumami pa ang mga options ng mga stations.
“Because there’s so much talent in the Philippines na kulang na kulang yung the existing networks now. Kulang na kulang sa dami ng mga talento sa Pilipinas,” sabi pa ni Ian.
Ang halaga ng tiket sa Ian Veneracion Live ay P5000 (SVIP, may photo op), P3500 (VIP) at P2000 (Gold). Ididirek ito ni Vergel Sto. Domingo. Para sa mga detalye, makipag-alam sa mobile numbers 0927-297-8027, 0961-360-0457.
