PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sylvia to Maine: Mag-'Yes, I Do' na!

Sylvia can't wait for Maine to be her daughter-in-law.
by Arniel C. Serato
Published Jul 27, 2023
Sylvia Sanchez can't wait to call Maine Mendoza her own daughter
Sylvia Sanchez posts happy photos with future daughter-in-law Maine Mendoza taken during her bridal shower last Sunday, July 23, 2023: "Ito ang isa sa mga dasal ko bilang INA na makasundo ng pamilya ang mapapangasawa ng mga anak ko. Masaya ako at nagpapasalamat dahil ibinigay ng DIYOS ang panalangin kong ito."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Answered prayer para kay Sylvia Sanchez ang pagdating ni Maine Mendoza sa buhay ng kanyang anak na si Arjo Atayde.

Sa Instagram at Facebook ngayong araw, July 27, 2023, ibinahagi ni Sylvia na ipinagdasal niya noong makasundo ng kanyang pamilya ang mapapangasawa ng kanyang mga anak.

At natupad ito kay Maine, na malapit nang maka-isang dibdib si Arjo.

Sabi ni Sylvia, “Ito ang isa sa mga dasal ko bilang INA na makasundo ng Pamilya ang mapapangasawa ng mga anak ko. Masaya ako at nagpapasalamat dahil ibinigay ng DIYOS ang panalangin kong ito [praying hands emojis]

“Matagal na kitang minahal at itinuring na isang tunay na anak mula ng minahal mo ang anak kong si Arjo @mainedcm [heart emoji]”

Ngayon daw na malapit na ang kasal ng dalawa, hindi niya itinuturing si Maine na daughter-in-law kundi isang tunay na anak.

Aniya, “Ngayon, hayaan mo naman akong iparamdam sayo ng buong buo ang pagmamahal at pagtanggap sayo bilang isang tunay na anak, gaya ng ipinaramdam sa akin ng mga biyenan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tara na! Mag Yes, I Do ka na para selyado na. Love you Menggay.

#ataydemendoza Happy morning.”

Noong nakaraang Linggo ng gabi, July 23, 2023, isang pajama party ang inihanda ni Sylvia bilang bridal shower para sa kanyang future daughter-in-law.

Ayon kay Sylvia, ito ang pagpapakilala niya kay Maine sa kanilang malaking pamilya.

Read: SYLVIA SANCHEZ THROWS BRIDAL SHOWER FOR FUTURE DAUGHTER-IN-LAW MAINE MENDOZA

Nagdaos din ang E.A.T. at legit Dabarkads ng bridal shower para kay Maine noong nakaraang Sabado, July 22, 2023.

Read: Maine Mendoza gets emotional in bridal shower on 'E.A.T.'

Hinuhulaang sa Biyernes, July 28, ikakasal sina Maine at Arjo sa isang destination wedding.

Na-engage ang dalawa noong July 29, 2022.

Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are engaged

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez posts happy photos with future daughter-in-law Maine Mendoza taken during her bridal shower last Sunday, July 23, 2023: "Ito ang isa sa mga dasal ko bilang INA na makasundo ng pamilya ang mapapangasawa ng mga anak ko. Masaya ako at nagpapasalamat dahil ibinigay ng DIYOS ang panalangin kong ito."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results