PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey de Leon takes swipe at Noli de Castro's snide remark

Joey: "Mayroong mas malala kay Egay, yung epal, kaya mag-ingat kayo."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 31, 2023
Joey de Leon takes a swipe at Noli de Castro
Joey de Leon (left) on Noli de Castro's (right) comment about Maine Mendoza-Arjo Atayde (center) wedding: "Sa mga kababayan nating ume-epal na hindi raw dapat nagpakasal ang dalawang ito dahil binabagyo raw ang bayan, eto lang ang masasabi ko—-naunang nagplano sina Menggay kaysa kay Egay!"
PHOTO/S: Joey de Leon Twitter

May diretsahang patutsada ang TV host-comedian na si Joey de Leon ukol sa naging komento ng TV Patrol news anchor na si Noli de Castro sa kasalang Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Ginanap ang kasal nina Maine at Arjo sa Baguio City noong Biyernes, July 28, 2023.

Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are now married

Sa closing spiels ni Noli sa TV Patrol noong July 28 ay nagkomento siya tungkol sa pagpapakasal nina Maine at Arjo sa gitna ng pananalasa ng bagyong Egay sa Baguio City.

“Kayo habang kinakasal, kawawa naman yung mga binabagyo," sabi ni Noli.

Read: Noli de Castro gets flak for comment about Maine Mendoza-Arjo Atayde wedding

Dahil dito, marami sa netizens ang hindi natuwa sa umano'y wala sa lugar na komento ng ABS-CBN news anchor.

Maging si Joey ay hindi pinalampas ang naging pahayag na ito ni Noli o mas kilala rin sa tawag na "Kabayan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang post sa X (formerly known as Twitter) ngayong Lunes, July 31, may pasaring si Joey sa mga taong "ume-epal" at nagsasabi umanong hindi dapat nagpakasal sina Maine at Arjo sa kasagsagan ng bagyo.

Kalakip ng post ng E.A.T. host ay ang larawan nina Maine at Arjo sa kanilang kasal.

Read: Joey de Leon on ‘E.A.T.’ competing with ‘Eat Bulaga!’: “We are the only show na katapat ang sarili naming show!”

Mababasa sa caption ni Joey (published as is), "Sa mga kababayan nating ume-epal na hindi raw dapat nagpakasal ang dalawang ito dahil binabagyo raw ang bayan, eto lang ang masasabi ko—-naunang nagplano sina Menggay kaysa kay Egay!

"Wala silang kasalanan kundi ang unang limang letra ng “kasalanan”—-KASAL!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maliban sa kanyang tweet, binanggit din ito ni Joey sa noontime show nila sa TV5 na E.A.T. ngayong araw habang nagbibigay ng congratulatory message ang kanyang co-hosts na sina Vic Sotto at Tito Sotto sa bagong kasal na sina Maine at Arjo.

"Mayroong mas malala kay Egay, yung epal, kaya mag-ingat kayo," babala pa ni Joey.

@news5everywhere Tila may pasaring si #EAT host #JoeyDeLeon sa mga pumupuna sa kasal nina #MaineMendoza at #ArjoAtayde sa Baguio City. "Sa mga ume-epal na hindi raw dapat nagpakasal dahil binabagyo raw — naunang nagplano sina Menggay kaysa kay Egay!... May mas malala kay Egay, 'yung epal," banat ng TV host. Masaya namang binati ng #TVJ at #LegitDabarkads ang newlyweds. #News5 #NewsPH #EntertainmentNewsPH #TVJonTV5 #TVJMediaQuest #EgayPH ? original sound - News5

Ikinasal sina Maine at Arjo sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel, Baguio City, Benguet, noong July 28, 2023, matapos ang mahigit apat na taon nilang pagiging magkasintahan.

Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde romance: A timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joey de Leon (left) on Noli de Castro's (right) comment about Maine Mendoza-Arjo Atayde (center) wedding: "Sa mga kababayan nating ume-epal na hindi raw dapat nagpakasal ang dalawang ito dahil binabagyo raw ang bayan, eto lang ang masasabi ko—-naunang nagplano sina Menggay kaysa kay Egay!"
PHOTO/S: Joey de Leon Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results