Idineklara nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o TVJ at ng legit Dabarkads ang July 29, 2023 bilang "National Dabarkads Day," kung saan magkakaroon ng engrandeng selebrasyon sa E.A.T. ng TV5.
Kaugnay ito ng paggunita nila sa ika-44 anibersaryo ng longest-running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga!, na ang TVJ ang original hosts.

Ito ay makakatapat ng grand celebration ng revamped Eat Bulaga!, ang nilisan nilang programa na kanilang sinimulan at inaalagaan ng 44 years.
Kaugnay nito, may hirit ni Joey sa Twitter kagabi, July 27, 2023, “We are breaking records! We are the only show na katapat ang sarili naming show! And on Saturday, July 29, we will have a ‘double celebration!’"
Saad pa niya sa isang tweet, “It’s National Dabarkads Day on July 29! [blue heart emoji] 14344!”
Samantala noong July 22, panalo sa ratings ang E.A.T. kung saan nakakuha ito ng 4.94%.
Ang It’s Showtime sa GTV ay nakakuha ng 3.55%, at ang revamped Eat Bulaga! ay nakakuha ng 3.24%.
Birada ni Joey, “Gumawa hindi Gumaya! Lumikha hindi Kamukha!”
"14344"
Noong July 26, 2023, may parunggit muli si Joey at ang TVJ sa programang inumpisahan nila at pinaninindigang sa kanila pa rin, ang Eat Bulaga!.
Tila sagot ito ni Joey sa sinabi ni Paolo Contis ng revamped Eat Bulaga! na ipagdiriwang nila ang ika-44 taong anibersaryo ng longest-running noontime show.
Sabi ni Paolo, "We're not celebrating the past, we're not celebrating the hosts. We're celebrating the people who have been supporting the show for the longest time.
"Kami po ay taga-host lang ng show. Pero ang isi-celebrate po natin ay yung show 'ika nga.”
Read: Paolo Contis, tiniyak na magiging "big" at "grand" ang 44th anniv ng 'Eat Bulaga!'
Makikita sa post ni Joey ang larawan niya kasama sina Tito at Vic, na nasa loob ng dressing room ng E.A.T. sa TV5. Nakasuot sila ng pulang T-shirt na may nakasulat na “44.”
Nasa harapan nila ang isang cake na kulay pula at puti.
Nakasulat dito “Happy 44.”
May nakapalibot din ditong mga numerong “14344” na ang ibig sabihin ay “I Love You Very Much.”
Pero ang “44” ay sumisimbulo sa 44 years ng Eat Bulaga!.
Sa caption, may diretsong patama si Joey sa revamped Eat Bulaga!: “You cannot complete and celebrate 44 years without the PAST! [winking face with a big open grin and its tongue sticking out emoji] 14344 Dabarkads!”
COPYRIGHT INFRINGEMENT, UNFAIR COMPETITION CASE
Samantala, dumalo sina Tito at Joey sa pagdinig sa Marikina Regional Trial Court kahapon, July 27, 2023.
Ito ay kaugnay ng mga reklamong copyright infringement at unfair competition na isinampa nila laban sa TAPE at sa GMA-7.
Si Joey ang unang saksi sa pagdinig sa application for the issuance of writ of injuction na inihain nila nina former Senator Sotto, Vic, at Jeny Ferre.
Kaugnay ito ng pagnanais nilang ihinto ng TAPE Inc. at GMA-7 ang paggamit sa pamagat na Eat Bulaga!, mga segment, at audio-visual recording pagkatapos magpaalam ang TVJ sa longest-running noontime show noong May 31, 2023.
Read: TVJ, Jeny Ferre file copyright infringement and unfair competition complaints vs TAPE, GMA-7
Si Ferre ang dating creative director ng TAPE at sinasabing gumawa ng mga patok na segments ng Eat Bulaga!.
Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
Naganap ang unang pagdinig sa kaso sa sala ni Judge Romeo Dizon Tagra ng Branch 273 ng Regional Trial Court ng Marikina City.
Sumailalim si Joey sa direct, cross, redirect, at recross examination nang magbigay siya ng kanyang testimonya tungkol sa usapin.
Read: Joey de Leon, first witness sa unfair competition complaint ng TVJ laban sa TAPE
