Kasal na ang actress-TV host na si Maine Mendoza, 28, at ABS-CBN actor at Quezon City First District Representative Arjo Atayde, 32.
Ayon sa ulat ng TV Patrol, bandang alas tres ng hapon ikinasal ang dalawa sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel, Baguio City, Benguet, nitong Biyernes, July 28, 2023.
Kabilang sa principal sponsors ang E.A.T. hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, TAPE co-owner na si Tony Tuviera; ABS-CBN executives Carlo Katigbak, Cory Vidanes, at Deo Endrinal; Senate President Juan Miguel Zubiri; House Speaker Martin Romualdez; Quezon City Mayor Joy Belmonte; E.A.T. creative director Jeny Ferre; at aktres na si Maricel Soriano.
Kabilang naman sa groomsmen at bridesmaids sina Enchong Dee, Joseph Marco, Kristine Hermosa-Sotto, MJ Lastimosa, Ciara Sotto, Sheena Halili, at Maja Salvador.
At press time ay wala pang inilalabas na mga larawan at detalye tungkol sa naganap na kasalan.
Pinahihintulutan naman ang pagkuha ng mga larawan sa kasal nina Maine at Arjo, pero mahigpit umano ang bilin na bukas, July 29, ito i-upload sa social media.
Bawal din ang geotagging o paglalagay ng location sa mga post.
Ayon din sa impormasyong nakalap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), pinili ng bagong kasal na huwag tumanggap ng regalo dahil parehong "blessed" ang kani-kanilang career.
Sa halip, mayroon silang bubuuing donation drive matapos ang kanilang kasal para sa mga indigenous groups sa Luzon na sila mismo ang mag-aabot ng tulong.
Makabuluhan ang petsang "July 28" para kina Maine at Arjo.
Read: MAINE MENDOZA: THE ACCIDENTAL STAR OF ALDUB
July 28, 2013, nag-tweet si Maine ng “Arjo cutie [crying emoji]” Wala pa siya noon sa showbiz.

July 28, 2018 nang unang nagkakilala sina Maine at Arjo sa story conference ng Metro Manila Film Festival entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.
Read: MAINE MENDOZA AND ARJO ATAYDE ROMANCE: A TIMELINE
Na-engage naman ang dalawa noong July 28, 2022.

At ngayong July 28, 2023 ang petsa ng kanilang kasal.
View this post on Instagram
Tunay na pinahalagahan ni Arjo ang petsang ito para kay Maine, na "28 years" old na din ngayon.
Read: ARJO ATAYDE: HEAPS OF RECOGNITION AFTER MANY REJECTIONS
Sobrang tanggap ng Atayde family si Maine sa kanilang malaking pamilya.
Bukambibig nga ito sa mga post ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez.
Read: SYLVIA SANCHEZ TO MAINE MENDOZA: “TARA NA! MAG-‘YES, I DO’ KA NA PARA SELYADO NA.”
Gayundin ng kapatid ni Arjo na si Ria Atayde, na very excited na ring magkakaroon na siya ng bagong "sister."
Read: RIA ATAYDE ON ARJO-MAINE UPCOMING WEDDING: "I AM VERY EXCITED TO HAVE A NEW SISTER."
