Usap-usapan ngayon sa social media ang latest Instagram post ni Miss Tourism World Intercontinental 2019 Francesca Taruc.
Dito ay makikita ang sweet photos nila ng rapper-singer na si Skusta Clee.
Read: Francesca Taruc wins Miss Tourism World Intercontinental 2019
Kuha ang mga larawan sa music video ng bagong labas na kanta ni Skusta kung saan si Francesca ang leading lady niya.
Kitang-kita sa mga litrato ang saya at kilig ng dalawa.
Hindi naman napigilan ng netizens na paghinalaang higit pa sa magkatrabaho ang turing nila sa isa't isa, lalo pa't parehas daw single ang dalawa.
NETIZENS REACT
Sa comments section ng nasabing post ni Francesca ay bumuhos ang mga negatibong komento sa pagkaka-link niya kay Skusta.
Saad ng isang netizen (published as is), "True ba na sila? @francescataruc wala kang taste dai,pumapatol ka sa babaerong exotic."
Sabi pa ng isa, "Lakas talaga ng mala exotic na pagmumukha ni Skusta haha meron at meron pa ring mabobolang chicks yung tipong kanta lang ok na."
Dagdag pa ng isa, "Iniwan yung anak tapos ending single mom din pala haha."
Ang sexy actress na si Ava Mendez ang huling napabalitang karelasyon ni Skusta matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Zeinab Harake.
Read:
- Relasyon ng Vivamax sexy star Ava Mendez kay Skusta Clee, negatibo ang reaksiyon mula sa netizens
- Zeinab Harake recalls darkest moment after breakup with Skusta Clee
Si Francesca ay hiwalay na rin sa dati niyang boyfriend na si Luis Christian Singson, anak ni former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson.
Si Luis Christian din ang ama ng one-year-old son ni Francesca na si Ethan.
Tweet ng isang netizen, "Gandang-ganda ko kay Francesca Taruc pero bakit naman nag-downgrade? From Luis Singson (handsome/rich) to Skusta Clee (rapper/cheater). She can find better even if single mom siya!"
Read: Zeinab Harake reveals Skusta Clee’s “kabit” caused falling-out with Wilbert Tolentino
Kung mayroong hindi pabor, may mga netizen din namang nagtanggol kina Francesca at Skusta.
Komento ng isa (published as is), "Tong mga panay unfollow kala nyo ba kawalan kayo jan? di na lang kayo manahimik. hindi nyo na kang sila hayaan or wag na kang kayo mag comment kong wala kayong magandang sasabihin sa tao."
Buwelta pa ng isa, "Pakialam niyo ba sa mga buhay nila pinoy talaga puro pambabash ang alam. Maging happy po tayo kung San masaya ang kapwa natin single naman sila pareho pakialm niyo ba. Unahin niyo nalang ung pang kain niyo araw2x. I’m not a fan pero jusko pinoy 2024 na soon."
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na kumpirmasyon o pagtanggi sina Skusta at Francesca tungkol sa napapabalitang relasyon nila.
