Engaged na ang Kapamilya actress na si Lovi Poe sa kanyang British boyfriend na si Monty Blencowe.
Nitong Martes, August 8, 2023, inanunsiyo ni Lovi sa pamamagitan ng isang video sa Instagram na engaged na siya.
Ilang taon na ang nakalilipas nang ma-engage ang aktres ngunit ngayon lang nila napagdesisyunang isapubliko ito.
Makikita rin sa video ang suot-suot na engagement ring ni Lovi habang siya ay nasa dagat at pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
Mababasa sa caption ng Batang Quiapo star (published as is), "couple of years ago, there were two coffees, one sunrise, and a ring [coffee, sunset, ring emoji]."
"We’ve shared and celebrated this moment quietly with our family and closest friends, so we’re now more than happy to share this sweet #lifeupdate with you."
Read: Is Lovi Poe ready to settle down with boyfriend Monty Blencowe?
Bumuhos ang congratulatory messages sa comments section ng post ni Lovi mula sa kanyang Instagram followers at co-celebrities.
Kabilang na sa mga nagkomento sina Angelica Panganiban, Maxene Magalona, Glaiza de Castro, Yam Concepcion, Cherry Pie Picache, Jessy Mendiola, at Ariella Arida.




September 2019 nang kumpirmahin ni Lovi na magkasintahan na sila ni Monty.
Read: Lovi Poe confirms long-distance relationship with British gent
LDR o long-distance relationship ang kanilang relasyon dahil nakabase sa Los Angeles si Monty habang si Lovi naman ay nandito sa Pilipinas.
Read: Lovi Poe reveals how she and British boyfriend deal with long-distance relationship
