Naglabas ng kanyang saloobin ang drag performer na si Pura Luka Vega kaugnay sa pagdeklara sa kanya bilang persona non grata sa ilang lugar sa Pilipinas.
Ito'y dahil pa rin sa kontrobersiyal na "Ama Namin" song performance niya noong July 10, 2023.
Read: "Drag art"? Pura Luka Vega draws flak for "offensive" act of "Ama Namin"
Ang lungsod ng Maynila ang pinakabagong lugar sa bansa na nagdeklara kay Pura bilang persona non grata, base sa naaprubahang resolusyon ng Manila City Council, noong Martes August 8, 2023.
Ayon kay Manila District 5 Councilor Jaybee Hizon, hindi dapat gamitin para mang-insulto o manakit ng mga relihiyon ang kalayaan sa pagsasalita.
Dagdag pa ng ilang konsehal, mahalaga sa lungsod ng Maynila ang Itim na Nazareno, dahil dito ginaganap ang taunang Traslacion, kung kaya't hindi nila mapapalampas ang umano'y paglapastangan ni Pura sa panggagaya kay Hesukristo.
Bago pa maglabas ng resolusyon ang Maynila ay nauna nang idineklara ng apat pang lungsod at munisipalidad sa bansa ang pagiging persona non grata ni Pura sa kani-kanilang lugar.
Kabilang na rito ang lungsod ng Bukidnon at General Santos City sa South Cotabato at munisipalidad sa Floridablanca, Pampanga, at Toboso, Negros Occidental.
Sa pamamagitan ng X (dating Twitter) nitong Huwebes August 10, 2023, naglabas ng reaksiyon si Pura sa sunud-sunod na pagdeklara sa kanya bilang persona non grata.
Ayon sa controversial drag performer, bukas siya sa pakikipag-usap para magpaliwag pero hindi siya binigyan ng pagkakataon.
Saad ni Pura sa kanyang post (published as is), "Tell me EXACTLY what I did wrong.
"I'm open for a dialogue, and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance."
Hanggang sa huli ay nanindigan si Pura na form of "art" ang ginawa niyang pagtatanghal kung saan nakapostura siya na mala-poon sa kanyang metallic gold and maroon dress at matching headdress habang tumutugtog sa mabilis na tempo ang Roman Catholic song na “Ama Namin” o "The Lord's Prayer"
Aniya, "Drag is art.
"You judge me, yet you don't even know me."
Samantala, bukod sa pagdedeklara sa kanyang persona non grata, patung-patong na kaso rin ang kinakaharap ngayon ni Pura. Sinampahan siya ng kaso ng ilang Christian group leaders dahil sa paglabag niya umano sa Article 201 of the Revised Penal Code.
READ MORE:
- Jak Roberto rides on the 'anti-selos class' memes; Barbie Forteza reacts
- Charlie Dizon on Carlo Aquino's confession of love for her: "Noong una, medyo kinabahan ako."
- Elijah Canlas breaks down in tears at younger brother JM Canlas' inurnment
- What PEP.ph thinks of It's Showtime being slapped with a violation by MTRCB; what about E.A.T?
- BLACKPINK’s Rosé reacts to Andrea Brillantes' breakup with Ricci Rivero
