PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Charlie Dizon Reacts to Carlo Aquino's Confession

Charlie and Carlo have started talking about their future together.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 9, 2023
Charlie Dizon-Carlo Aquino
Charlie Dizon (left) on boyfriend Carlo Aquino (right): "Si Carlo super loving, grabe mag-alaga. Pero ang pinakahinangaan ko sa kanya, yung kapag may gusto siya, gagawin niya talaga, e. Kasi ayun yung medyo hindi ako."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Inamin ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino na siya ang unang nagbigay ng motibo kaya sila nagkadebelopan ng kasintahang si Charlie Dizon.

Unang umugong ang usaping may espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa matapos mag-post si Charlie ng sweet photo nila ni Carlo, kasama ang ilang non-showbiz friends, noong December 2022.

Read: Is Charlie Dizon in relationship with Carlo Aquino?

Nasundan pa ito nang maispatan naman sila sa isang restaurant sa La Union na magkasama at animo'y nagbabakasyon.

Read:

January 6, 2023, mismong si Carlo na ang umamin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na "dating" ang relationship status nila ng Kapamilya actress.

Read: Carlo Aquino confirms dating Charlie Dizon

Hanggang nitong July 20, 2023, sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinunyag ni Charlie na boyfriend niya na si Carlo.

Read: Charlie Dizon officially confirms relationship with Carlo Aquino: “Opo, boyfriend ko po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ng dalawa sa presscon ng pelikula nilang Third World Romance noong August 3, 2023, nausisa sila tungkol sa kanilang relasyon.

Rebelasyon kasi ni Carlo, espesyal sa kanya ang Third World Romance dahil bukod si Charlie ang kanyang leading lady ay dito rin daw sila nagkadebelopan.

Ngunit ang tanong: sino ang unang nagpakita ng pagkagusto?

Mabilis na sagot ni Carlo, "Ako, ako yon."

Pag-amin naman ni Charlie, noong una ay nakaramdam siya ng kaba at takot nang magsabi si Carlo na liligawan siya nito.

Aniya, "Noong una, medyo kinabahan ako.

"Kasi parang first time naman na taga-showbiz din. Yung mga ganung bagay.

"So, parang natakot ako sa mga tao sa paligid din kung sino yung mga makakakita din sa amin. Medyo kinabahan ako at first.

"Pero kasi before naman, magkaibigan na kami ni Carlo, nagkasama kami sa Soldiers Hearts.

"So, parang ayun na lang yung pinagkapitan ko na, 'Hindi, kilala ko to, kaibigan ko to.'"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SPECIAL FEELINGS FOR EACH OTHER

Kuwento pa nina Carlo at Charlie, hindi sila nahirapang gustuhin ang isa't isa sa kabila ng magkaiba nilang personalidad at mga katangian.

Pagbabahagi ni Charlie, "Si Carlo super loving, grabe mag-alaga.

"Pero ang pinakahinangaan ko sa kanya, yung kapag may gusto siya, gagawin niya talaga, e.

"Kasi ayun yung medyo hindi ako. Yung parang ako natatakot ako na mag-risk, na pag-iisipan muna bago gawin.

"Pero kapag siya... kapag may sinabi siyang gusto niya, talagang gagawin niya lahat ng steps."

Para naman kay Carlo, nabighani siya sa mga ngiti ni Charlie dahil may dala raw itong positivity.

Saad ng aktor, "Kita niyo ba yung tawa niya. Basta kapag happy siya, happy na rin ako."

Carlo Aquino-Charlie Dizon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CARLO-CHARLIE PLANNING THEIR FUTURE TOGETHER

Level-up na rin ang relasyon nina Carlo at Charlie dahil nasa punto na raw ang dalawa na pinag-uusapan na nila ang kanilang future at goal na magkasama.

Ani Carlo, "Pinag-uusapan namin yung future together."

Pagsang-ayon naman ni Charlie, "Yeah, yung goals and kung paano namin matutupad yung mga goals na yon."

Ano bang klaseng future ang napag-uusapan na nila?

Sagot ni Carlo, "Pinag-uusapan namin yung future namin together na magkasama kami na magkakapamilya.

"Kasi, di ba, bakit pa kami umabot sa ganito, di ba? Kahit sino naman, ayun siguro yung goal kaya sila nakikipagrelasyon, para may makasama ka [habang buhay]."

Sinang-ayunan ito ni Charlie.

Ayon sa aktres, noong una pa lamang ay malinaw na sa kanila ni Carlo kung ano ang plano nila sa kanilang relasyon.

"Actually, noong nagsimula pa lang to lahat sa aming dalawa, parang nakalatag na lahat yon... nakalatag na yung 'Ano ba to, e-enter na ba ng relationship, pero ang gusto ko kapag relationship serious talaga.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"As in, ganun. Kung hindi, e, di hindi. Okay lang kung hindi. Ayun din yung sinabi ko sa kanya.

"Kaya from the start, alam na namin na dapat seryoso to. Kapag may problemang ibabato, [pag-uusapan agad] ganun."

"KUNG MASAYA KA, BAKIT HINDI MO IPANGALANDAKAN."

Very proud si Carlo na sabihing masaya siya ngayon sa piling ni Charlie, kahit may ilang tao pa ring hindi matanggap ang kanilang relasyon.

Read: Carlo Aquino reacts to naysayers of his relationship with Charlie Dizon

Ito'y dahil sa hindi magandang hiwalayan nila ng dati niyang partner at ina ng kanyang anak na si Trina Candaza.

Read: Trina Candaza denies ex-boyfriend Carlo Aquino’s claim about their daughter: “Hindi ko ipinagdadamot.”

Sabi ni Carlo, "Meron at meron pa ring nagagalit, mga nanglalait. Wala na kaming magagawa doon.

"Basta yung mga taong malapit sa amin at masaya para sa amin, yun na lang ang mga pinakinggan namin."

Read: Relasyon ni Carlo Aquino kay Charlie Dizon, may kakaibang epekto sa aktor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para naman kay Charlie, as long as wala silang natatapakang iba ay hindi sila mapapagod na ipakita kung gaano sila kasaya ni Carlo sa isa't isa.

Pahayag niya, “Of course, kung masaya ka, bakit hindi mo ipangalandakan, di ba? It’s not a bad thing na maging masaya.

“Totoo na mahirap maging masaya, kasi iba’t ibang phases ang pinagdadaanan mo.

"Kada phase ng buhay mo, may iba kang goal. Tapos hindi madali abutin ang goals mo kasi maraming external factors na hindi mo talaga ine-expect sa buhay mo."

Dagdag pa niya, "Siguro, importante na basta may karamay ka, may kakampi ka, panalo ka na."

Read: Tracking romantic life of Carlo Aquino, one intriguing story after another

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Charlie Dizon (left) on boyfriend Carlo Aquino (right): "Si Carlo super loving, grabe mag-alaga. Pero ang pinakahinangaan ko sa kanya, yung kapag may gusto siya, gagawin niya talaga, e. Kasi ayun yung medyo hindi ako."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results