Ipinasilip ni Aljur Abrenica, 33, ang camping trip nila ng girlfriend na si AJ Raval, 22, sa Canada.
Sa kanyang Instagram post kahapon, August 10, 2023, kumportableng nakaupo ang couple sa folding chairs sa tapat ng isang bonfire.
May drinks at snacks na nakalatag sa picnic table sa kanilang tabi, habang sa likod nila ay makikita ang isang Esteem Entegra motorhome na kanilang tutuluyan.
Simple lang ang suot nilang jacket at rubber sandals.
May video rin si Aljur kunsaan pinagliliyab niya ang bonfire, at maririnig sa background ang mga boses ng iba nilang kasama ni AJ.
Nakalagay sa caption ni Aljur na matatagpuan ang lugar sa Big Fish Bay resort sa Slave Lake, Canada.
Ngayong Biyernes, August 11, si AJ naman ang nag-post ng litrato nila ni Aljur habang naglalakad sa isang sidewalk.
May IG Story rin si AJ kunsaan kinunan niya si Aljur na may bulaklak sa tainga nito habang ine-enjoy ang view ng lake.

Read: Aljur Abrenica: a look back at his rumored and real romances
ALJUR ABRENICA AND AJ RAVAL'S RELATIONSHIP
Noong Valentine's Day, February 14, unang naging Instagram official sina Aljur at AJ.
Ang Instagram Official, o "jowa reveal" kung tawagin ng netizens, ay urban slang na tumutukoy sa unang beses na nagpo-post ang isang couple ng kanilang litrato sa Instagram.
Kadalasan, ito ang nagsisilbing kumpirmasyon ng couple tungkol sa kanilang ugnayan.
Read: Jowa reveal: AJ Raval, Aljur Abrenica confirm relationship via Valentine's Day posts
September 2021 noong unang nasagap ng netizens na may ugnayan sina Aljur at AJ.
October 5, 2021 nang aminin ni AJ sa PEP Live na nanliligaw sa kanya si Aljur, at October 6, 2021 nang kumalat sa social media ang litrato nila na magka-holding hands habang namamasyal sa mall.
Noong panahong iyon, nabatikos nang husto sina Aljur at AJ dahil inaakusahang third party si AJ sa hiwalayan ng mag-asawang Aljur at Kylie Padilla.
Ito ay sa kabila ng paglilinaw ni Kylie noon na walang kinalaman si AJ sa isyu nila ng estranged husband.
AJ RAVAL'S RUMORED PREGNANCY
Isa pang intriga na ipinukol kina Aljur at AJ ay ang isyung nabuntis umano si AJ, at si Aljur ang ama.
Naging usap-usapan iyon noong mid-2022.
Pero mariing pinabulaanan ng ama ni AJ na si Jeric Raval ang isyu.
Noong December 2022, sinabi ni Jeric na pinayuhan niya ang anak na deadmahin ang pang-iintriga sa kanya.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong August 2023, ipinaliwanag ni Jeric na marahil ay napagkakamalang anak ni AJ ang mga pamangkin nito.
Read: Jeric Raval addresses persistent rumor that AJ Raval has a baby with Aljur Abrenica
