PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jerom Canlas on JM and Cinemalaya film performance

“Everything, lahat talaga na gagawin namin, para kay JM.”
by Jerry Olea
Published Aug 12, 2023
Jerom Canlas
Actor/filmmaker Jerom Canlas (left), eldest brother of recently departed young actor Jamile Matthew "JM" Canlas (right) shares his family's plans: "Magsisimula po kami nung foundation and to help out on other people experiencing mental health sickness. And para maka-spread din po ng awareness. Ako, lahat ng gagawin ko, para lang kay JM."
PHOTO/S: Jerry Olea

TRIGGER WARNING: Depression

Mahigit isang linggo na ang lumipas mula nang pumanaw ang 17-anyos na si JM Canlas, ngunit lubos pa rin ang pighati ng mga kuya niyang sina Jerom at Elijah Canlas, ganoon din ang kanilang mga magulang.

JM Canlas

Magkakasama ang Pamilya Canlas at ang girlfriend ni JM na si Iya Villafuerte nitong Agosto 11, Biyernes sa PICC kung saan ongoing ang Cinemalaya XIX: ilumiNasyon filmfest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jerom Canlas
Elijah Canlas
Iya Villafuerte

Sixth monthsary nina JM at Iya nang araw na iyon.

“Ako ang date ni Iya today,” bittersweet na pagngiti ni Elijah.

Read: Elijah Canlas breaks down in tears at younger brother JM Canlas' inurnment

JEROM CALLS FOR MENTAL HEALTH AWARENESS

Assistant director si Jerom ng Cinemalaya 2023 full-length feature na Huling Palabas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa gala nito noong Agosto 9, Miyerkules, ng 6:15 p.m. sa PICC Cinema Rizal, nagsalita si Jerom bago ang screening.

Pagtatapat ni Jerom, “Noong nakaraang linggo, yung kapatid ko pong si JM… ahhh, hindi na po napanood ang pelikulang ito.

“Nung ginagawa po namin, actually, lagi po siyang sumisilip kapag nanonood po ako ng mga edits at mga online na viewing.

“Tapos, lagi niyang sinasabi kung puwede kong ipapanood sa kanya, pero sabi ko po, ‘Sa screening na! Sa gala screening na!’

“Pero hindi po siya umabot.

“Ahhh… sinasabi ko po ito kasi, siguro para… kung may kakilala po kayo na nag-i-struggle sa kanilang mental health, at may kakilala po kayo na malapit sa inyo, ahh mag-contact na agad kayo ng mga malalapit na mga professional at mag-seek po sana ng professional help para maiwasan po at umagapay po sa kanila.”

Lumagaslas ang luha ng ina nina Jerom nang mga sandaling iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Jerom, “Muli, iniaalay ko po itong pelikulang ito kay Jamile Matthew, ang bunso po naming kapatid…”

Read: Former child actor JM Canlas, youngest brother of Elijah Canlas, dies at 17

CANLAS FAMILY COPES WITH GRIEF

Matapos naman ang 6:15 screening ng Huling Palabas noong Friday sa PICC Cinema Bonifacio, nagkaroon ng talk back session ang filmmakers at cast.

After that ay kinumusta ng PEP si Jerom at ang kanyang mga kapamilya. Iyak nang iyak pa rin ba ang kanilang ina?

“Ahhh well, fresh pa po, e. So hindi pa talaga OK. Pero… feeling ko, never naman kaming magiging OK,” salaysay ni Jerom.

“Mas magiging ano lang… ahh, makaka-function lang. Ayun, makaka-function kahit paano. Labas po kami nang labas.

“Magkakasama po kami pag pumupunta dito, o kaya kung saan man pupunta. Kasi kailangan po namin yung suporta ng isa’t isa. At saka siyempre ng iba pa pong nagmamahal sa amin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Balik-taping na ba si Elijah sa Kapamilya series na Senior High?

Tumango si Jerom, “Yes, opo. Hindi naman tumigil. Actually, nung… since nung nag-arrive siya from Bali, tuluy-tuloy siyang nagtrabaho.

“Even nung mismong araw ng death, August 3, pagkauwi niya ng Bali, nag-shoot pa siya.

“So hindi pa niya talaga kami napuntahan during nung first day. Ngayon po, nagwu-work pa rin naman.

“Ako, nagwu-work na rin. Pero mas intentional na kasama ko lang yung magulang ko ngayon para mas mabantayan sila.

“Kasi kami-kami na lang.”

Read: JM Canlas casket donated to 17-year-old EJK victim

Maselan ang tema ng seryeng Senior High. Kinakaya ni Elijah na mag-shoot doon sa kabila ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni JM?

“Kaya naman po. Alam ko nagkausap sila ng management nila, at may nakaagapay naman,” lahad ni Jerom.

“Si Miles [Ocampo], I think, pumupunta lagi sa set. May RM [road manager] siya na laging andun para magbantay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CANLAS FAMILY VOWS TO SUPPORT MENTAL HEALTH AWARENESS

Ano ang susunod na gagawin ng kanilang pamilya habang nagmu-move on?

Napabuntong-hininga si Jerom, “Kapag stable na po kami, nakapag-counsel and therapy, OK po kami… magsisimula po kami nung foundation and to help out on other people experiencing mental health sickness.

“And para maka-spread din po ng awareness. Aside from that, magpapatuloy pa rin po ang iba’t iba rin naming advocacies and ako, lahat ng gagawin ko, para lang kay JM.

“I’m sure yung kapatid kong si Jelo [nickname ni Elijah], sina mommy, daddy, para kay JM pa rin.

“Everything, lahat talaga na gagawin namin, para kay JM.”

Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor/filmmaker Jerom Canlas (left), eldest brother of recently departed young actor Jamile Matthew "JM" Canlas (right) shares his family's plans: "Magsisimula po kami nung foundation and to help out on other people experiencing mental health sickness. And para maka-spread din po ng awareness. Ako, lahat ng gagawin ko, para lang kay JM."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results