PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jerom Canlas Reflects on JM's Final Message

Jerom: "Sana, nandun kami."
by Jerry Olea
Published Aug 13, 2023
Jerom Canlas and brother JM Canlas
Jerom Canlas (left) talks about how he and his family are moving on without their youngest brother JM (right), who died on August 3, 2023.
PHOTO/S: Jerry Olea

TRIGGER WARNING: Depression

Next week na mag-uumpisa ang grief counseling ng mga kapamilyang naiwan ni JM Canlas: ang mga kuya niyang sina Jerom at Elijah at ang kanilang mga magulang.

Ibinalita ito ni Jerom sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang screening ng Cinemalaya 2023 competing film na Huling Palabas nitong Agosto 11, Biyernes sa Philippine International Convention Center (PICC).

Read: Jerom Canlas reveals JM was supposed to watch gala of Cinemalaya film: "Hindi po siya umabot."

Mare-refund ba iyong almost PHP200K na tuition fee ni JM sa isang kilalang paaralan?

Hindi pa nagsisimula ang pasukan nang pumanaw si JM noong Agosto 3, 2023, Huwebes.

Sabi ni Jerom, “Nakausap na po nila. Ahh mare-refund, hindi lang po ata sure kung full refund. Pero mare-refund naman po.”

Napapaluha pa rin tuwi-tuwina ang mga naiwan ni JM, maging ang girlfriend ni Elijah na si Miles Ocampo.

Lahad ni Jerom, “Everytime po, iyak lang po si Daddy. Kahit nagda-drive ako, sa lahat ng mga ano, naalala namin. Ganun po talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LIFE WITHOUT JM

Nakakapagtrabaho na ba ang mga parents nila na sina Rommel at Lyn?

"Si mommy at si daddy po ngayon, hindi pa. Naka-stop po muna. Pero kami ni Jelo [palayaw ni Elijah], siyempre nagpa-function.

“Pero sila po talaga, hindi pa. Hindi pa po kami umuuwi dun sa bahay talaga namin, sa condo namin.

“Naghahanap po kami ng malilipatan. Sana, makalipat na po kami by next month."

JM Canlas family
Jerom Canlas
Elijah Canlas

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang pumirma si Elijah ng kontrata sa Cornerstone noong Pebrero 28 sa Privato Hotel, Quezon City, ay present ang parents nila. Sinasamahan ng mga ito si Elijah.

Tumango si Jerom, “Opo, sobrang close po namin kaya sobrang sakit din po nung mga naganap. At siyempre, malungkot nang sobra po.

“Wala po talaga, hindi po namin alam, wala po kaming ano, ayun. Pero kumakapit lang po at siyempre, moving forward lang po lagi.”

Read: Elijah Canlas breaks down in tears at younger brother JM Canlas' inurnment

JM IS "AT PEACE"

Ano ang nagpapalakas ng loob sa kanya? Ano ang nagpapawaksi ng lungkot kahit paano, kahit sandali—trabaho? kaibigan?

Mabilis na sambot ni Jerom, “Pamilya, kaibigan, lahat po ng mga nagmamahal sa amin, ramdam na ramdam po namin, nagmamahal kay JM.

“Pero yung fact din po na siya na rin po ang nagsabi na at peace na siya.”

Bago pumanaw si JM ay nag-iwan ito ng message sa malapit na kaibigan, hindi sa kasintahang si Iya Villafuerte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Jerom, “So, at peace na po siya, at kuntento na po ako, dahil siyempre, ang motivation ko lang po ngayon ay, well, bumawi sa kanya.

“Galingan para sa kanya.”

Sa Facebook post nila ni Elijah, sinasabi nilang “babawi” sila sa bunsong kapatid, ang pahiwatig bang ito ay tungkol sa pagkukulang nila kay JM?

Medyo gumaralgal ang boses ni Jerom, “Lahat po kasi, may guilt. Actually, lahat po talaga ng kakilala namin at malapit sa amin, may guilt talaga lagi.

“Hindi naman nawawala. So ako, kami, bilang kapatid, kuya—siyempre guilty sa lahat ng mga pagkukulang.

"Na sana, nandun kami.

"Yung mga ganun na mga bagay, at siyempre, complex po kasi na malaman ang relasyon ng isa’t isa.

“Ahhh yun, pero sabi nga po niya, he’s at peace. At alam niyang, alam po namin na mahal na mahal na mahal na mahal siya namin. At siya, mahal na mahal din kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: The young life and legacy of JM Canlas

MESSAGE FOR THOSE WHO SUPPORTED THEM

Bagamat sinabi ni JM na at peace siya, tanggap ba niya agad iyon at naiintindihan niya?

“Sa ngayon, sinusubukang tanggapin. Hindi naman po, hindi po talaga fully,” pag-amin ni Jerom.

“Hanggang ngayon, pina-process ko pa rin po. Lahat po kami, pina-process. Hindi pa rin po namin fully tanggap.

“Feeling namin, nandiyan lang siya, nagbabakasyon somewhere or kasama lang ang girlfriend na nanood ng kung ano.

“Pero sa huli, kailangang matanggap at kailangan talagang mag-move forward.”

Read: Sharlene San Pedro, Xia Vigor, Sophia Reola, Mitch Briones mourn death of JM Canlas

Ano ang message nila para sa mga sumusuporta sa kanila, dumadamay, nagmamalasakit, nagdadasal?

“Ahhh maraming-maraming salamat po. Dama po namin ang inyong pakikiramay at inyong pagmamahal,” saad ni Jerom.

“Sana po, patuloy nyo kaming ipagdasal. Patuloy niyo pong ipagdasal si JM, ang kanyang kaluluwa, ang kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At sana po, huwag po natin siyang kalimutan. Na sana, yung legacy niya… kahit 17 years, andami na po niyang nagawa.

“So yung legacy niya at yung kabaitan, kabutihan, pagmamahal na binigay po niya sa lahat ay sana, huwag po natin yung balewalain.

“Ibigay po natin pabalik, lalo na sa mga mahal natin sa buhay.”

Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerom Canlas (left) talks about how he and his family are moving on without their youngest brother JM (right), who died on August 3, 2023.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results