Ginulat ng singer-comedienne na si Gladys Guevarra ang netizens sa pagpapakasal niyang muli sa isang non-showbiz guy sa Amerika.
Kahapon, August 13, 2023, ibinahagi ni Gladys sa Instagram ang isang short Reel na naglalaman ng kanyang kasal kung saan sinasabi ng officiating priest na “You may now kiss the bride.”
Caption niya sa post, "Once upon a time, there lived a very lonely Princess. One day, her Knight in shining armour arrived. And they lived happily ever after. [heart emoji]
#ADisGLAD #GLADitsAD #GLADYSfinallyfoundDAWAn [heart, rose emojis]”

Isa sa bumati sa comments section ng post ni Gladys ay ang dating kasamahan niya sa Eat Bulaga! na si Ruby Rodriguez.

Pero maraming netizens ang nahihiwagaan kung sino ang lalaking pinakasalan ni Gladys na ipinakilala lamang niya bilang "AD."
Noong May 2021 ay ikinasal si Gladys sa non-showbiz guy na si Mike Navarrete sa Amerika rin.
Pero mula noon, wala nang nabalitaan pa ang publiko tungkol sa kanilang pagsasama.
Read: Gladys Guevarra now married to non-showbiz boyfriend Mike Navarrete
Hanggang sa ibahagi ni Gladys na nagpakasal nga siyang muli.
Komento ng isang follower, “Yawa! Gladys Sino na naman yan lol”

Ayon sa isa pa, “Iba ba sya s pinakasalan nya years ago?”
Sagot naman ng isang netizen sa nasabing komento, “yes po iba yata ito ulit [laughing emoji]”
Dagdag ng isa pa, “yup iba p yun - eto ay 2nd marriage nya ata in VEGAS :)”

Paliwanag naman ng isa pang netizen, “Iba Yong dati na scam sya [laughing in tears emoji] now nakita n nya totoo nag papasaya at pinakasalan sya godbless”
Tugon naman ng netizen sa nasabing paliwanag, “Iba pa un nangscam sa kanya, hindi un tga US. Nun dumating sya sa US may pinakasalan sya jan. Tapos nagkaroon kolokoy, tapos ito iba na naman! Ejh ang ganda!”
Ang “Kolokoy” na binanggit ng netizen ay ang vlogger na si Pambansang Kolokoy o si Joel Mondina, na nagpanggap na naging mag-partner sila ni Gladys ngunit collab lang pala iyon para sa content.
Pagsang-ayon ng isang netizen, “Uunga eh nagtaka ako iba na naman pala ito pinakasalan nya. Ganda yern. Ano kaya nangyari don sa isa..."
Dagdag ng isa pa, “Colab lang po iyon,content Nila ni Pambansang kolokoy”

“PINABANGON AKO MULI NI LORD…”
Noong August 9, suot ang kanyang wedding gown, nagbahagi si Gladys ng isang mahabang mensahe sa kanyang Instagram.

Dito ay ikinuwento niya ang mga pait at masakit na pinagdaanan pagdating sa kanyang love life.
Nagpapasalamat si Gladys sa Panginoon at nakabangon siya sa kanyang mga pagkakamali.
Mensahe ni Gladys, “I thank God dahil hindi hatred ang namalagi sa puso ko. I am blessed by God din to continue to love again.
“And ipinaramdam din sa akin ni Papa God na hindi totoong wala ng magmamahal sa akin.
“Maraming Salamat sa Panginoon Diyos Ama na syang nagbiyaya sa akin ng lahat ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay sa kabila ng pakiramdam kong endless battles. May katapusan pala lahat ng pain at heartaches.
“Pinabangon ako muli ni Lord at binigyan ng isang katulad ni AD. Na minahal ako at minamahal ng buong buo at wala ng kahit anong question."

“Hindi ako uminda sa lahat ng sakit at pagsubok, knowing mas maraming sakit, hirap at pagpapahirap ang ginawa kay Jesus. Iniyakan ko? Oo, pero hindi ako pinabayaan ni Lord.
“At mas ipinaramdam pa sa akin ng Panginoon na mas deserve ko pang lumigaya ng mas maligaya pa sa inakala kong ligaya.”
Dagdag pa ni Gladys, sa dami ng kanyang naranasang heartaches, may isang tao na talagang inilaan sa kanya ng Diyos.
Aniya, “To God be all the glory. Tama ang sinabi ng Panginoon, may inilaan sya para sa akin. At hindi ko kailangan magmadali.
“Ngayon alam ko na ng malinaw bakit nangyari ang lahat ng nangyari. May mas magandang plano si Lord. Kaya thank you Papa God sa lahat lahat ng ito.
“Ibinabalik ko po ang lahat ng ito sa iyo. Sa iyo po ang lahat ng aking papuri Father God. [praying hands emoji]
“At pasasalamat sa lahat ng taong hindi ako iniwan sa ere at patuloy na nagmahal, nagmamahal at sumusuporta sa akin hanggang ngayon. Smile nalang ako ng smile ngayon. Let us all just spread LOVE! #ADisGLAD #GLADitsAD”

Happy naman para sa kanya sina Marian Rivera, Rodjun Cruz, at marami pang iba.

