Gladys Guevarra, dumaranas ng heartbreak tuwing Setyembre?

by Jojo Gabinete
Sep 4, 2020
Gladys Guevarra to ex-boyfriend Leon Sumagui: "Ang saklap lang na grabe yung pagkakatago mo diyan sa maskarang suot mo. Saan nabibili iyan? Ang galing magtago ng tunay [na pagkatao], ha?"
PHOTO/S: @igladysguevarra Instagram

Tila may hatid na pagsubok kay Gladys Guevarra ang buwan ng September dahil may malungkot na nangyayari sa love life niya.

Noong September 2, lumuluhang ipinagtapat ni Gladys ang paghihiwalay nila ng boyfriend na si Leon Sumagui.

Diumano, tinangay ni Leon ang perang bayad ng mga kostumer na nag-order kay Gladys ng mga kakanin.

Bukod sa pagluha sa Facebook Live, mahaba ang litanya ni Gladys laban kay Leon, na pinaratangan niyang "dysfunctional" at mas artista pa raw kaysa sa kanya.

"Akala naming lahat mabuti kang tao. Ang gulo mo. Ang gulo mo kausap, ang gulo ng mundo mo, ang gulo ng mga desisyon mo, ang gulo ng character mo.

"Kaya no wonder, sa simula pa lang, naghahanap ako ng sign na ginusto mo ba talaga ako? Minahal ba talaga? O wala ka lang choice, kasi para mabuhay?

"Ang saklap lang na grabe yung pagkakatago mo diyan sa maskarang suot mo. Saan nabibili iyan? Ang galing magtago ng tunay [na pagkatao], ha?

Continue reading below ↓

"Kaya safe ka sa COVID, ang kapal ng mask mo, e. Biruin mo umabot ng isang taon bago na-reveal ang katotohanan mong kulay?" sumbat ni Gladys sa boyfriend na nakasakit nang husto sa kanyang damdamin.

PAST HEARTBREAK

Dati ring dumanas ng pagkabigo sa pag-ibig si Gladys.

Noong 2013, hindi rin maayos ang paghihiwalay nila ng live-in-partner na si Jojo Diamse.

Continue reading below ↓

Nagsama sila sa iisang bubong ng halos limang taon.

Sinampahan ni Diamse si Gladys ng reklamong attempted murder, grave oral defamation, grave coercion, at paglabag sa anti-child abuse law o R.A. 7610.

Inihain iyon ni Diamse sa Quezon City Regional Trial Court noong September 5, 2013.

Nag-ugat ang reklamo ni Diamse sa insidenteng nangyari noong August 23, 2013, kunsaan lasing umanong nagpunta si Gladys sa bahay niya sa Quezon City para makiusap na magbalikan sila.

Limang buwan na silang hiwalay noon.

Sinabi ni Diamse na malaking eskandalo ang ginawa ni Gladys dahil hindi lang umano basta nagwala ang comedienne, kundi binangga nito ang gate ng kanyang bahay at pinagtangkaan siyang sagasaan.

Hindi raw matanggap ni Gladys na may karelasyon na siyang ibang babae.

Continue reading below ↓

GLADYS' LEGAL MOVE

Depensa naman ni Gladys, nauna siyang magsampa ng legal complaint laban kay Diamse.

Base ito sa panayam kay Gladys ng PEP.ph noong September 6, 2013

Noong gabing nagkaengkuwentro ang dalawa, dumiretso raw si Gladys sa Camp Karingal police headquarters sa Quezon City.

At nag-file raw doon si Gladys ng reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act laban sa ex-partner.

Kaugnay ito ng pananakit diumano ni Diamse kay Gladys.

Hindi nga lang daw ipinaalam ni Gladys iyon sa media, hindi raw tulad ng ginawa ni Diamse sa kanya.

Mensahe noon ni Gladys sa dating nobyo: "Nag-file ka na rin pala, even sa Hall of Justice pinu-post mo pa. Nag-file ka na. E, di, be quiet.

"And besides, lalaki ka, di ba?"

Kung anuman ang naging resulta ng kontra-demandahan ng dalawa noon ay tila hindi na naisapubliko pa.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Guevarra to ex-boyfriend Leon Sumagui: "Ang saklap lang na grabe yung pagkakatago mo diyan sa maskarang suot mo. Saan nabibili iyan? Ang galing magtago ng tunay [na pagkatao], ha?"
PHOTO/S: @igladysguevarra Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results