Bumiyahe si Alden Richards kasama si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee patungong California para sa isang event ng GMA Pinoy TV, ang Miss Filipina International.
View this post on Instagram
Bago ang kanilang importanteng event, dumaan muna ang dalawa at nag-courtesy call sa Philippine Consulate General Office sa Los Angeles, California, ngayong araw, August 4, 2023.
View this post on Instagram
Dito ay nagkita si Alden at ang dating kasamahan sa Eat Bulaga! na si Ruby Rodriguez.
Si Ruby ay nagtatrabaho sa legal department ng Philippine Consulate General sa Los Angeles, California, mula pa noong May 2021.
Mensahe ni Ruby sa kanyang Instagram account, kalakip ang larawan kasama sina Alden at Michelle, “I’m so happy to be re-united with my anak @aldenrichards02 and the beautiful @michelledee”
View this post on Instagram
Maraming netizens naman ang natuwa sa reunion nina Ruby at Alden.
May naghikayat pa kay Ruby na bumalik na ng Pilipinas at sumanib muli sa E.A.T. ng TVJ nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at ng legit Dabarkads sa TV5.



RUBY'S EXIT FROM EAT BULAGA!
Naging kontrobersiyal ang pagkawala ni Ruby sa Eat Bulaga! matapos ang mahigit tatlong dekadang pagiging bahagi ng noontime show.
Read: Ruby Rodriguez opens up about her Eat Bulaga exit
Hindi na nakitang muli si Ruby sa show nang magsimula itong mag-live noong June 2020 matapos ang pagpapalabas ng mga replay dahil sa pandemya.
Nang tanungin kung bakit siya umalis sa Eat Bulaga!, ang standard na sagot ni Ruby, "Pakiusap, tanungin ninyo sila."
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ruby noong May 2021, sinabi ni Ruby na may balak na talaga siyang mag-file ng leave of absence sa Eat Bulaga! bago pa magpandemya.
Ito ay upang samahan ang anak niyang si Don AJ na magpapagamot sa U.S.
Ayon kay Ruby, ang kanyang anak ay may "very rare autoimmune disease."
Nagpaalam si Ruby sa dating president at CEO ng TAPE Inc. na si Tony Tuviera, na mas kilala bilang Mr. T, para sa kanyang naging desisyon.
Sabi pa raw nito sa kanya, "You will always have a home here in Eat Bulaga!"
Read: Ruby Rodriguez reveals son's rare condition made her decide to live in the U.S.
Ayon kay Ruby, hindi niya pormal na-file ang kanyang leave of absence dahil sa pandemya.
Kaya raw ikinagulat niyang hindi siya kasama sa cast members na pinabalik nang muling mag-live ang Eat Bulaga! sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.
Ang huling proyektong ginawa ni Ruby sa bansa ay ang GMA-7 series na Owe My Love na pinagbidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.
Matapos ang lock-in taping ng show noong March 2021, lumipad na patungong Amerika si Ruby kasama ang asawang si Mark Aquino at ang kanilang dalawang anak na sina Toni at Don AJ.
READ MORE:
- Is Ruby Rodriguez leaving showbiz for good after migrating to the U.S.?
- Ruby Rodriguez expresses how much she misses Eat Bulaga Dabarkads
- Ruby Rodriguez comments "kilala mo pa ba ako?" on Alden Richards' post; why?
- Ruby Rodriguez on losing doctor sister to COVID-19: “Hindi mo naalagaan, hindi mo man lang nabisita.”
