Ipinagluluksa ng R&B King na si Jay-R, Gaudencio Sillona III sa tunay na buhay, ang pagpanaw ng kanyang amang si Gaudencio Sillona Jr.
Sumakabilang buhay ang ama ng singer, sa edad na 92, sa Los Angeles, California, noong August 12, 2023.
Sa Instagram kahapon, August 13, ibinahagi ni Jay-R ang malungkot na balita sa kanyang followers.
Kalakip nito ang black-and-white photo ng namayapang ama at ang kapanganakang taon nito at kung kailan ito pumanaw.
Maiksing caption niya, “Love you dad. See you again on the other side.”
View this post on Instagram
Sa comments section ay bumuhos ang pakikiramay mula sa mga kaibigan ni Jay-R mula sa showbiz at maging sa kanyang followers.



Mas madamdamin naman ang mensahe ng asawa ni Jay-R na si Mica Javier, sa pamamagitan din ng Instagram.
Puring-puri ni Mica ang father-in-law sa pagiging matatag nito sa kabila kanyang kanyang edad.
Pati sa mga sabay nilang pagkain at sa mahaba-habang lakaran nila paikot sa kanilang village.
Nagpapasalamat si Mica na itinuturing siyang sariling anak ng biyenan.
Saad niya, “Not everyone gets to meet someone born in 1931 but I’m lucky & grateful I got to know you and spend time with you Daddy Jun. You were a treasure—I will always remember your strength (ang tatag niyo po), tenacity and cool calm presence, especially the sound of you playing classical piano for hours on end.
“Yung pinagluto nyo po ako ng fried egg at spam pang almusal, yung long walks natin sa village sa Manila, tapos sa dining table lagi ko po kayong tinatanong tungkol sa kwentong kabataan niyo pero konting kwento lang po, tatawa lang po ng maliit, tapos tahimik nanaman po kayo. Na enjoy ko po yung moments na ganun.
“Thank you for accepting and loving me as your own. You’re in great company now, please say hi to my mama & tito danny for me. Love you po!! Godspeed”
View this post on Instagram
