Mariing itinanggi ni Yassi Pressman na may namamagitan sa kanila ni Ilocos Norte Representative at presidential son Sandro Marcos.
Ito ay sa kabila ng pagkalat ng video nila sa TikTok habang sila'y magkasama sa isang event.
Sa naturang video, makikita ang pakikipagkulitan ng panganay na anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Yassi.
Kapansin-pansin din ang ang pagiging sweet at close nila sa isa't isa, at may pagkakataon pang napapaakbay at napapasandal si Yassi kay Sandro.
Dahil dito, hinala ng mga netizen na higit pa sa pagkakaibigan ang turingan ng dalawa.
Mariin itong itinanggi ng aktres.
Sa panayam ni Yassi sa 24 Oras ng GMA-7 nitong Huwebes August 16, 2023, inamin niyang nakarating sa kanya ang mga balitang inili-link siya kay Sandro.
Pero paglilinaw ng aktres, wala silang relasyon.
Aniya, "Yung nakikita ko po yung kay Sandro, hindi po yon totoo at all.
"As in tawang-tawa nga po kami.
"Nalagyan lang po ng malisya dahil na-slow mo at nalagyan ng music."
Maliban kay Sandro ay may isa pang politikong nali-link ngayon kay Yassi — si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.
Dahil ito sa kumakalat nilang litrato kung saan makikita ang paghalik sa pisngi ni Villafuerte kay Yassi sa isang event.
Wala pang inilalabas na reaksiyon si Yassi patungkol sa pagkakaugnay niya kay Villafuerte.
Read: Yassi Pressman now being linked to politicians Sandro Marcos, Luigi Villafuerte
YASSI REMAINS GRATEFUL TO JON SEMIRA AMID BREAKUP
Pahapyaw ring nagbigay ng komento si Yassi tungkol sa breakup nila ng Filipino-Canadian basketball player na si Jon Semira.
Ayon sa Black Rider star, malaki ang pasasalamat niya kay Jon sa samahang nabuo nila at sa pagiging mabuting tao nito kahit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.
Saad ni Yassi, "Sa totoo lang, matagal na po talaga kasi kaming naghiwalay.
"And I'm very, very grateful to Jon. He's a great person sobrang mabait po talaga.
"And sana people just respect our privacy and siya rin po [Jon] very private person."
Read: Yassi Pressman goes public with her relationship to Filipino-Canadian Jon Semira
Noong umaga ng August 16, kinumpirma ni Jon sa Instagram na hiwalay na sila ni Yassi.
Mutual decision daw nilang dalawa na tapusin na ang kanilang relasyon at magkanya-kanya na.
Nilinaw rin ni Jon na walang third party sa kanilang breakup, kalakip ang hiling niyang huwag nang palakihin pa ang isyu at kung maaari ay irespeto ang kanilang desisyon.
Narito ang buong pahayag ni Jon:
“After an amazing run, Yass and I have decided to part ways.
"We look to move on to our next phase in life in peace and with the support of our family and friends.
“It’s been a while since the breakup. It was a decision made from the both of us, and us only.
"We wish each other the best and will always appreciate what we had. Our relationship was beautiful and we are both coming out better people because of it.
"We ask that you let us deal with this in private as we move forward from this."
Read: Jon Semira confirms breakup with Yassi Pressman: “It was a decision made from the both of us.”
Unang lumutang ang hiwalayan nina Yassi at Jon dahil sa Instagram post ng aktres kung saan ipinakita niya ang kanyang bagong tattoo na may disenyong hummingbird.
Nasundan pa ito noong August 12, 2023, kung saan nag-post si Yassi sa kanyang IG na “not triple.not double.but SINGLE.”
