PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Guevarra takes a swipe at bashers of her second marriage

Gladys Guevarra: “Masaya po ako ngayon, wag nyo pong basagin.”
by Arniel C. Serato
Published Aug 17, 2023
Gladys Guevarra claps back at basher of new relationship
Gladys Guevarra on new marriage: "Masaya akong nagbahagi ng happiness ngayon, magkasya na sana kayo dun. Kaya di ko kailangan ng maraming followers eh. Sa totoo lang, d ko na ata responsibilidad na pasayahin kayo."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Hindi nangiming sermonan ni Gladys Guevarra ang aniya'y mga negatibong tao na bumabatikos sa pagpapakasal niyang muli.

Ikinasal si Gladys sa isang non-showbiz guy sa Las Vegas, Nevada, noong August 13, 2023.

Pero pinanatili niya ang misteryosong katauhan nito.

Ngunit marami ang nagtataka kung ano at sino ang katauhan ng bagong asawa ni Gladys.

Marami rin ang nagtatanong kung bakit sa loob ng halos tatlong taon ay dalawang beses siyang ikinasal sa Amerika.

Read: Gladys Guevarra keeps identity of new husband secret; netizen asks, "Sino na naman yan?"

Sa Instagram ngayong araw, August 18, 2023, naglabas si Gladys ng kanyang hinanakit laban sa bashers na tila ayaw siyang lumigaya.

Himutok ng singer-comedienne, “Masaya po ako ngayon, wag nyo pong basagin dahil sa madudumi ninyong utak at opinyon. Wala po akong pakialam sa mga opinyon nyo.

“Dahil di nyo po maibibigay ang kaligayahan ko. Lalo na mga news na guma-grab, wag nyo po akong gamitin para sa views ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi nyo po alam ang buhay na inabot ko sa taong pinapasikat nyo pa. Ayaw ko na sana ipost ito, bilang respeto ko sa asawa ko at sa pamilya ng asawa ko.”

Dagdag pa ni Gladys, hindi niya maintindihan kung bakit hindi matanggap ng ilan sa kanyang followers na gusto rin niyang lumigaya.

Ibinahagi lamang daw niya ang kanyang kaligayahan, pero iba pa rin ang pananaw ng ilan.

Sabi ni Gladys, “Andami ninyong alam. Andami ninyong pwedeng sabihing magaganda. Hindi ko maintindihan bakit ganyan pa din mga pananaw ninyo.

“Hindi ko kayo pinapakiusapang gustuhin ako. Nag share ako ng happinesss ko pero heto kayo at patuloy sa pambabatikos. wala ko magawa, dyan kayo masaya.

“Kaya sana dahil din masaya ako ngayon, yung mga pag kutya ninyo hindi nyo ba pwedeng sarilinin? Intindihin nyo mga kakainin nyo sa bahay, o maglaba kayo, magligpit ng kalat o ano pa mang makakapagpa busy sa inyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

UNHAPPY FIRST MARRIAGE?

Sunod na ibinahagi ni Gladys ang tila bangungot na naranasan niya sa isang taong hindi niya pinangalanan. Lumuha umano siya ng dugo sa piling nito.

Maaaring ang tinutukoy ni Gladys ay ang una niyang pinakasalang lalaki sa Amerika noong 2021.

Aniya, “Hindi ninyo alam ang buhay na dinanas ko sa araw araw na nakasama ko yung taong yun. Hindi ninyo alam anong klaseng pagpapahirap ng loob, at pagluha ko ng dugo.

“Kaya sana kung wala kayong magandang sasabihin din, eh manahimik kayo dahil wala kayong alam sa personal kong buhay.”

Sa huli, sinabi ni Gladys na hindi siya mag-aatubiling i-block ang followers na patuloy pa ring maghahasik ng negatibong komento tungkol sa kanyang buhay.

Saad niya, “Masaya akong nagbahagi ng happiness ngayon, magkasya na sana kayo dun. Kaya di ko kailangan ng maraming followers eh. Sa totoo lang, d ko na ata responsibilidad na pasayahin kayo.

"Dahil nung mga panahong dumudugo ang loob ko, wala naman kayong lahat sa tabi ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kaya wala akong utang na loob sa inyo para magsalita kayo ng hindi maganda sa akin.

"Kaya pasensya na sa mga maba-block. D ko po kayo kailangan. Napakasarap lang na maging masaya, ang tagal kong hinintay maramdaman muli ito.

"Masarap din sana madami pwede maging kaibigan. Yung mga harag ang utak, maghanap kayo ng hobby. Yung productive sana, wag ninyong gawing hobby maging basher, walang kita dyan. [laughing, heart emojis]

“P.S.
Di ako mangingimi mag block ngayon. Ikaw na din mismo, pag feeling mo di maganda sasabihin mo, mag unfollow ka nalang. You’ll do me a very big favor. Mas importante kase peace of mind ko ngayon kesa negatibong hangin mo eh. Para masaya tayo pareho. Diba?”

Noong May 2021 ay ikinasal si Gladys sa non-showbiz guy na si Mike Navarrete sa Amerika rin.

Read: Gladys Guevarra now married to non-showbiz boyfriend Mike Navarrete

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Guevarra on new marriage: "Masaya akong nagbahagi ng happiness ngayon, magkasya na sana kayo dun. Kaya di ko kailangan ng maraming followers eh. Sa totoo lang, d ko na ata responsibilidad na pasayahin kayo."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results