PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda bursts into tears over "Mini Ms. U" contestant's poem

Vice: “I just thank God that every day He’s been sending a lot of angels to come my way..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 18, 2023
Vice Ganda breaks in tears over "Mini Ms. U" contestant
Eury Eleandre Villena, a six-year-old "Mini Ms. U" contestant from Tondo, Manila, delivers her own poem about how 'It's Showtime' makes her happy, which made Vice Ganda and other hosts emotional.
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube

Hindi napigilang maluha at maging emosyunal ng TV host-comedian na si Vice Ganda matapos i-perform ng isang "Mini Ms. U" contestant ang tula tungkol sa mga host ng It's Showtime.

Sa episode ng Kapamilya noontime show nitong Biyernes, August 18, 2023, ibinahagi ng six-year-old candidate na si Eury Eleandre Villena ang tulang itinuro sa kanya ng kanyang ama.

Tinatalakay ng nasabing tula kung gaano nakapagbibigay ng saya ang It's Showtime, sa pangunguna ng mga host nito, kay Eury at sa iba pang mga manonood o kung tawagin ay "Madlang People."

Narito ang bahagi ng tula ni Eury:

Noong unang panahon, mayroong tagapagtanggol ng kasayahan

Sila ay sina Meme Vice, Ate Anne, Ate Kim, Kuya Vhong, Ate Karylle, at marami pang iba

Pumunta sila sa isang bayan, agaw na kapansin-pansin ang kalungkutan

Agad na ginamit ni Meme Vice ang kanyang super power sa pagsasalita at pagpapatawa

Nainggit si Ate Anne at ginamit niya ang kanyang bibig sa pagkanta

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod si Ate Karylle, na may bumibirit-birit pa.

Sayaw ni Ate Kim, tumambling si Kuya Vhong, sumunod si Kuya Jhong

Nagpalakpakan ang lahat at napalitan ang kalungkutan ng kasiyahan

Read: Anne Curtis, netizens moved by "Mini Ms. U" contestant's pure and powerful statement

Matapos sambitin ni Eury ang kanyang tula ay agad siyang pinasalamatan ni Vice.

"Ang ganda ng pagkakakilala niya sa pamilyang ito, walang bahid.

"Ang ganda, maraming-maraming salamat sa iyo," nakangiting sambit ni Vice.

Inalayan din ng Kapamilya star si Eury ng impromptu na tula para ipadama rito kung gaano siya nasiyahan at na-inspire ng "Mini Ms. U" contestant.

Ani Vice, "Thank you, Eury. I love you, we love you.

"Lagi mong iisipin yan kahit saan ka makapunta, maraming nagmamahal sa iyo."

Sa puntong ito, kapansin-pansin na ang pagluha at pagiging emosyunal ni Vice.

Humahagulgol na mensahe ni Vice kay Eury, "May mga pagkakataon minsan malulungkot ka. Kaya ka nalulungkot kasi nakakalimutan mo na, 'Ay, may nagmamahal pala sa akin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya kailangan lagi mong maalala na may mga nagmamahal sa iyo, mga magulang mo at kami.

"Kapag nalulungkot ako, iisipin ko lagi mahal mo ako.

“Masayang-masaya ako kapag kasama kayo, kaya minsan nalulungkot ako kasi natatakot ako na baka hindi ko na kayo makasama.

"Kaya ngayon na may pagkakataon ako na makasama kayo, gusto ko lang maging masaya, at masaya ako na masaya ka.”

Vice Ganda breaks in tears over

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sagot naman ni Eury sa kanya, “I love you, too, Meme. Palagi kitang iisipin… Masaya ako na kasama kita ngayon.”

Read: MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment

Maging ang co-host ni Vice na si Vhong Navarro ay hindi rin napigilang maluha sa naging mensahe ni Eury kay Vice.

Aniya, "Grabe yung dinala mo sa amin ngayon Eury, mula sa tula mo, sa mga sinasabi mo, parang hindi ka six-year-old.

"Salamat dahil dumating ka dito sa amin sa It's Showtime."

Read: MTRCB Chair Lala Sotto affirms decision that 'It's Showtime' committed a violation: "Magalit na kung sino man ang magagalit."

Agad ding niyaya ni Vice ang iba pa nilang co-hosts sa stage para yakapin si Eury.

Vice Ganda breaks in tears over

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, nagpasalamat si Vice sa Panginoon sa pagpapadala nito ng umano'y "angels" para ipaalala na maraming nagmamahal at napapasaya ang kanilang programa.

Sabi niya, “I just thank God that every day He’s been sending a lot of angels to come my way and to remind me how much this program and all of us are loved by so many people, especially these wonderful kids."

Read: Vice Ganda shows close bond with It's Showtime kids amid MTRCB issue: "I am their Meme!"

Samantala, dahil sa talento at pagiging bibo ni Eury ay siya ang itinanghal na winner sa "Mini Ms. U" ngayong araw ng Biyernes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eury Eleandre Villena, a six-year-old "Mini Ms. U" contestant from Tondo, Manila, delivers her own poem about how 'It's Showtime' makes her happy, which made Vice Ganda and other hosts emotional.
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results