"Echosera po siya!"
Ito ang nasambit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) source tungkol sa pahayag ni Alluring Actress (o AA) sa biglaang pagpayat niya.
Ang sabi kasi ni AA, pumayat siya dahil sa pagkain. As in totally ay binago raw ang eating habits, pati lifestyle, kaya ang laki nang nabawas sa kanyang timbang.
Pero sabi ni PEP.ph source, "Hindi po. Kasi ilang beses ko pong nakita iyan sa isang beauty clinic. Hindi lang once, twice, thrice, but many times. Nagkakasabay kami.
"Maaaring nag-diet talaga siya, pero hindi ko gets bakit hindi man lang niya sinabi na hindi lang yun ang ginawa niya."
Read:
Dalawang aktres, nagkalamat ang pagkakaibigan dahil sa selos
Dating Sikat na Aktor, ano ang relasyon sa isang Mayamang Babae
Tanong ng PEP.ph: But could it be because she is not really endorsing the clinic?
Sagot ni PEP.ph source, "E, puwede naman niyang hindi banggitin ang name ng clinic, di ba? Pero parang lying by omission yung ginawa niya.
"Kawawa naman yung kapitbahay ko na ginagaya siya. Paniwalang-paniwala sa sinabi ni AA, pero naka-ilang months na siya sa diet, e, walang change."
At kung totoo ngang pumayat daw si AA nang dahil lang sa diet, dapat sana ay yung skin niya ay medyo loose or saggy, di ba?
Dugtong ni PEP.ph source, "Since hindi naman siya nag-e-exercise, bakit ang firm ng arms niya? Hindi kita yung sa thighs at tummy, pero di ba dapat, kahit papaano, medyo gumagalaw o lawlaw yung sa upper arms niya?"
Read:
Showbiz personality, nakaranas ng pang-aabuso not just once but twice
Premyadong aktres, tinangkang sulutin ng talent manager
May isa pa raw echos si AA: Yung binanggit niyang timbang.
"Sorry, I have nothing against her, but I do not believe na yun ang weight niya sa ngayon. Baka goal, pero I think in progress siya.
"Naghanap talaga ako ng kasing-weight niya. Malayo! Maniniwala ako kung ivi-video niya ang sarili habang nagwi-weighing scale. I-post niya sa social media. Dapat walang putol sa editing, ha."
Hindi gets ni PEP.ph source kung bakit kailangang mang-echos ni AA. Wala naman daw masama kung sabihin niya talaga ang totoo.
"As it is, nakaka-amaze ang fitness transformation niya.
"But the minute sinabi niya yung reason, hindi na ako maka-focus sa leaner figure niya. Mas nag-stick sa akin ang pagiging echosera."