Selos ang naiisip na dahilan ng aktres kaya malamig na ang pakikitungo sa kanya ng kapwa aktres na malapit sa puso niya.
Dati, parang magkapamilya ang trato nila sa isa’t isa.
Parehong may karelasyon ang mga aktres.
Pero napansin ni Actress A na nagbago ang ugali ni Actress B dahil palaging nagkokomento at nila-like ng boyfriend ni Actress B ang mga social-media posts ni Actress A, na normal para sa kanya bilang magkakaibigan nga sila.
Walang dahilan para magselos si Actress B kay Actress A dahil magkaibigan din ang kanilang mga karelasyon at madalas silang nagkakasama sa mga okasyong pinupuntahan nila.
Read:
Aktres, nagbubulag-bulagan lamang sa pagtataksil ng mister?
Byuting Aktres, karir sa pag-ex-deal para sa kanyang kasal
Guwapong leading man at magandang lead actress, nahuling "nagpa-practice" ng kissing scene off cam
Nang mapansin ni Actress A na tila may isyu sa kanya si Actress B, siya na rin ang nagkusang lumayo dahil ayaw niya ng mga drama.
Bukod sa iisang mundo ang ginagalawan nila, magkakakilala ang mga taong nakakasalamuha nina Actress A at Actress B kaya magiging mahirap sa kanilang iwasan ang isa’t isa dahil tiyak na magkikita sila.
Posibleng bumalik ang magandang samahan ng dalawa kung si Actress B ang gagawa ng unang hakbang para malutas ang silent feud nila ni Actress A.
Read:
Dating Sikat na Aktor, ano ang relasyon sa isang Mayamang Babae
Premyadong aktres, tinangkang sulutin ng talent manager
Pretty Actress naka-fling si Sikat na Aktor
Weird naman kasi kung si Actress A kasi siya nga itong nagulat na nag-iba ang pakikitungo sa kanya.
Naninindigan rin siya na walang dapat ipagselos sa kanya dahil masaya at kuntento siya sa boyfriend niya sa kasalukuyan.