Pinag-aaralan at pinag-iisipang mabuti ng isang showbiz personality kung itutuloy niya ang balak na pagsasalita tungkol sa kanyang malulungkot na karanasan sa entertainment industry noong aktibo pa siya sa pag-arte.
Dalawang beses naging biktima ng pang-aabuso ang showbiz personality, at ang mga taong kanyang pinagkatiwalaan ang mga tormentor niya.
Read:
Dating Sikat na Aktor, ano ang relasyon sa isang Mayamang Babae
Premyadong aktres, tinangkang sulutin ng talent manager
Pretty Actress naka-fling si Sikat na Aktor
Ang karahasang dinanas ng showbiz personality ang nag-udyok sa kanya para talikuran ang pag-aartista.
Minsan nang nagsalita noon ang showbiz personality tungkol sa mapait na bahagi ng buhay niya, pero nawalan siya ng mga proyekto dahil may koneksiyon sa industriya ang isa sa mga umabuso sa kanya.
Naramdaman ng showbiz personality ang paglayo sa kanya noon ng mga taong natakot madamay sa kontrobersiyal at eksplosibong rebelasyon niya.
Read:
Aktor, clueless sa pagtatapos ng kinabibilangang programa
Controversial Starlet, nag-iimbestiga kung magkakilala ang boyfriend at ang model-actress
Personality, sadyang iniwasan si Star?
Marami na ang nagbago sa buhay ng showbiz personality mula nang talikuran nito ang showbiz, kapalit ang tahimik na pamumuhay.
Kung sakaling magsasalita siya muli tungkol sa traumatic experience niya sa industriya, gustong makatiyak ng showbiz personality na hindi maaapektuhan ang pamilya nito at walang kaso na puwedeng isampa laban sa kanya ang mga taong posibleng masangkot sa kontrobersiyal na usapin.