Muling nagkita si former Pinoy Big Brother housemate Angelie "Lie" Reposposa at ang kanyang British fiancé na si Paul Joshua Marsden sa Thailand.
Read: Lie Reposposa, posts foreigner boyfriend on social media
Bumiyahe si Lie papuntang Thailand kahapon, August 24, 2023.
Sabi niya sa kanyang post, “Travel with no regrets.”
View this post on Instagram
Nakalagay sa location ng kanyang post ay "Bangkok, Thailand."
Ngayong Biyernes, August 25, nag-post muli si Lie ng larawan niya kasama ang fiancé kung saan sa unang litrato ay nagsi-selfie sila at nakayakap sa kanya si Paul mula sa likuran.
Ang ikalawa naman ay isang short video sa pagsundo ni Lie kay Paul sa airport.
Sabi niya sa caption, “Finally after 6 months.”
View this post on Instagram
Nag-post din si Paul ng kaparehong larawan ng ipinost ni Lie.
Sabi niya sa caption, “I’ll choose you, always (heart emoji)”
View this post on Instagram
Mukhang plantsado na ang “cheating” issue na ibinato ng netizens kay Lie dahil sa nag-viral na “kissing” video diumano niya na kuha sa isang bar sa Poblacion, Makati, noong August 8, 2023.
Kahit nasangkot sa isyu, walang sinagot si Lie sa mga tanong ng netizens.
Ang comments sections sa lahat ng kanyang social media accounts ay naka-disable din para hindi bahain ng bashing.
Read: Netizens accuse Lie Reposposa of cheating on British fiancé
Pero ilang oras matapos mag-viral ang nasabing “kissing” video, nag-post si Lie ng lumang sweet na larawan nila ni Paul.
Wala siyang inilagay na caption dito.
Gayundin si Paul na nag-post ng kaparehong larawan sa kanyang Instagram na hindi rin niya nilagyan ng caption.
Read: Lie Reposposa, British fiancé post sweet photo amid "cheating" issue
Noong August 15, nag-post si Paul ng workout video nila ni Lie na tila kuha sa isang hotel room.
Caption niya, “6 months ago [heart emoji]”
View this post on Instagram
Komento ni Lie sa post, “See you very soon”
Sagot ni Paul, “EXACTLY”

February 24, 2023 nang unang isinapubliko ni Lie ang tungkol sa engagement nila ni Paul.
Noong December 2022 nang maging Instagram official ang kanilang relasyon.
Read: Ex-PBB housemate Lie Reposposa, 19, engaged to British boyfriend
