Inamin ni AJ Raval na magkasintahan na sila ni Aljur Abrenica, at July 2022 nang opisyal maging sila.
Sa kanyang Facebook Live noong August 15, 2023, idinetalye ni AJ kung kailan nagsimula ang pagkakamabutihan nila ng aktor.
"Si Aljur nakasama ko sa movie na Nerisa. Friends lang talaga kami nun," bungad ni AJ.
May 2021 nang magsimula ang shooting ng Nerisa, at nag-stream ito sa Vivamax noong July 30, 2021.
Bida sa pelikula si Cindy Miranda, at kasama sa cast sina Aljur, AJ, at Sean de Guzman.
Noong panahong iyon ay "kuya" pa raw ang tawag ni AJ kay Aljur.
Boyfriend pa noon ni AJ ang ex-Pinoy Big Brother housemate na si Axel Torres.
August 20, 2021 nang ihayag ni AJ sa isang mediacon na nakipaghiwalay siya kay Axel dahil hindi raw maintindihan ni Axel ang sexy image ni AJ sa pelikula.
Huling mga araw ng September 2021, umugong ang usap-usapang nauugnay si AJ kay Aljur.
October 5, 2021 nang kumpirmahin ni AJ sa PEP Live na nanliligaw nga sa kanya ang aktor.
Read: AJ Raval reveals real score with Aljur Abrenica: "We care for each other."
Sa Facebook Live ni AJ ngayong 2023, naalala niya ang pag-amin niyang iyon.
Lahad niya, "Lumipas yung panahon, dun na nag-start yung panliligaw-ligaw. In-interview ako uli.
"Bago lang ako sa showbiz. Hindi ko alam yung mga ganong bagay itinatago pala.
"Sobrang inosente ako, tinanong ako sa interview tungkol kay Aljur. Sabi ko agad, 'nanliligaw.'
"That time, hindi ko alam ganun pala magiging tanggap ng tao, kaya nilabas ko."
Balik-tanaw pa ni AJ, "Meaning, hindi ako nagsinungaling. Sinabi ko talaga yung totoo.
"Dun na pumutok yung issue tungkol sa aming dalawa kasi sa akin din nanggaling mismo na nanliligaw [si Aljur]."
Isang araw matapos umamin ni AJ sa PEP Live, lumabas ang mga litrato nila ni Aljur na magka-holding hands habang naglalakad sa mall.
Read: "Getting-to-know stage?"—AJ Raval, Aljur Abrenica spotted HHWW at a mall
Nasundan pa ito ng mga litrato ng binata na dumadalaw sa bahay ng pamilya ni AJ sa Pampanga.
Read: AJ Raval and Aljur Abrenica more PDA moments go viral; Aljur spotted at AJ's Pampanga home
Noong panahong iyon, pinutakti ng batikos si AJ kaya siya naghinay-hinay sa paggamit ng social media.
Base sa timeline ni AJ, halos isang taon daw nanligaw sa kanya si Aljur bago naging sila.
AJ ON ASKING ALJUR ABOUT STATUS WITH KYLIE
Siniguro raw niyang hiwalay na si Aljur sa misis nitong si Kylie Padilla bago siya pumayag maging nobyo ang aktor.
"Then lumipas ang panahon, nanliligaw... Tinanong ko siya, paano yung wife? Paano yung family.
"Sabi niya sa akin, 'Okay lang yun.' Hiwalay na talaga sila, may partner na rin si Kylie that time. Kaya nag-go ako."
Para kay AJ, hindi tamang sisihin siya sa hiwalayan ng mag-asawa.
"So, sinasabi ko lang dito, di baleng tawagin niyo na akong kabit and all. Siguro yun ang tinatawag sa akin ng tao dahil kasal nga sila.
"Pero I swear to God, ikamatay man ng buong pamilya ko, mamatay man buong pamilya ko ngayon, nag-start yung relationship namin nang wala kaming nasasaktan.
"Wala kaming nilokong tao. Ganun nag-start ang relationship namin."
Kaswal na ikinukuwento ito ni AJ habang siya ay naglalakad mag-isa sa Canada. Nang mga oras na iyon ay hindi niya kasama si Aljur.
Game din siyang sumagot pati na sa ilang netizens na nagsasabing hindi pa rin maaalis na may sabit si Aljur dahil kasal ito at may dalawang anak.
"Yeah, I know. I understand yun ang tingin sa akin ng mga tao, kabit and all.
"Pero uulitin ko, nag-start yung relationship namin ni Aljur, I swear to God, wala kaming sinaktang tao. Na-gets niyo ba ako?" diin niya.
May isa pang nagkomento na kung hindi raw pinatulan ni AJ si Aljur ay posibleng magkabalikan pa sina Aljur at Kylie.
Binasa pa ni AJ ang comment ng netizen bago ipinaliwanag ang kanyang panig.
"Yun nga po. Alam ko po yan," kalmadong saad niya.
"Nung nanliligaw si Aljur, kinilala namin ang isa't isa for a year bago maging kami talaga.
"Kinakausap ko siya. Sabi ni AJ [Aljur] wala na raw talaga, wala na raw chance.
"Okay na sila, friends na sila. May partner na rin si Kylie that time. Paano pa sila magkakaayos, di ba?"
Read: Aljur Abrenica on Kylie Padilla: "Hindi niyo alam yun, nag-uusap kami lagi."
Ipinunto rin ni AJ na maayos ang co-parenting status nina Aljur at Kylie hanggang sa kasalukuyan.
Ani AJ, "Ta's friends naman sila, okay naman sila.
"Yun lang, nagsasabi ako ng totoo. Tsaka di niyo ba napansin? Si Aljur sinabi niya na hindi ako. Si Kylie sinabi niya na hindi ako.
"Ibig sabihin, ibang tao talaga gumawa nun."
Read: AJ Raval hints at woman involved in Aljur Abrenica-Kylie Padilla breakup
ON GOING PUBLIC WITH ALJUR
February 14, 2023 nang maging Instagram official sina AJ at Aljur.
Nag-post si Aljur ng litrato nila ni AJ sa tabi ng motorbike ng aktor.
At nitong August 11, ibinahagi ng couple sa pareho nilang Instagram accounts ang litrato nila habang namamasyal sa Canada.
Ito ang hudyat na mas naging bukas ang dalawa sa kanilang relasyon.
Ani AJ, "Ang hirap magsinungaling. 'Tsaka mahirap magmanipula ng mga tao. Basta kung ano nakikita niyo, bahala kayo, yun na yun."
Read: Aljur Abrenica bonds with girlfriend AJ Raval's family; netizens react
Hindi raw kaya ni AJ magtago dahil tatlong taon pa lang siya sa showbiz.
"Hindi ko kaya maging showbiz agad yung ugali. Kung ano nakikita niyo, yun na yun.
"Ta's nag-artista ako pandemic, walang tao, interviews, Zoom. Kumbaga, yung ugali ko talaga, ipapakita ko.
"Puwede namin i-fake, naghiwalay kami or what, pero hindi. Mahirap magsinungaling para sa amin."
Noong August 19, muling nag-Facebook Live si AJ, at kasama na niya si Aljur. Ipinakita ng couple ang kanilang pamamasyal sa Canada.
Dito ay hindi nila itinago ang sweetness sa isa't isa.
