PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda's Mysterious Tweet

Netizen: "Basta wala na si Toni Gonzaga G!!!!!!! Install ko na ulit."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 29, 2023
Did Vice Ganda take a swipe at Toni Gonzaga?
Netizens react to Vice Ganda's "Nakapag reinstall na ba lahat?" tweet after he was named as Shopee's new brand ambassador.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/ Shopee

Nagpakawala ng maiksi ngunit malamang post sa X (dating Twitter) ang TV host-comedian na si Vice Ganda noong Linggo, August 27, 2023.

Kasunod ito ng pagpapakilala sa kanya bilang bagong brand ambassador ng online shopping platform na Shopee.

Read: Vice Ganda admits to being impulsive buyer; reveals holiday shopping habits

Tweet ni Vice, "Nakapag reinstall na ba lahat? Happy Sunday! [orange heart emojis]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumalap ito ng iba't ibang reaksiyon. May ilang netizens ang nagbigay ng interpretasyon tungkol sa makahulugang post ni Vice.

Ayon sa kanila, tila “shade” daw ito sa TV host-actress na si Toni Gonzaga, na dating brand ambassador ng nasabing shopping app.

Matatandaan noong September 2022, nag-trending sa social media ang "Bye Shopee" matapos umani ng kritisismo ang pagiging celebrity endorser ni Toni sa Shopee.

Si Toni ay masugid na tagasuporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nagkaroon ng kontrobersiya ang pagkuha kay Toni bilang endorser dahil binigyan ito ng kulay-pulitika ng ilang netizens, na ibang kandidato ang sinuportahan noong nakaraang eleksyon.

Lalo pang nagpagalit sa ilang netizens ang kumalat na balitang nagtanggal o nag-retrench daw ng mga empleyado ang nabanggit na kumpanya para makuha ang serbisyo ni Toni, na tiyak daw na milyun-milyon ang talent fee.

Dahil dito, maraming netizens ang nag-uninstall umano ng nasabing shopping app.

Read: Pagkuha ng Shopee kay Toni Gonzaga bilang endorser, naging trending topic sa Twitter

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS REACT

Samantala, sa comments section ng post ni Vice ay bumuhos ang komento mula sa netizens na naniniwalang may kaugnayan ang post nito kay Toni.

Read: Toni Gonzaga: unbothered by controversies, uncowed by critics

Marami rin ang nagsabing in-install na nilang muli ang shopping app dahil hindi na si Toni ang ambassador nito.

Komento ng isang netizen, "FINALLY!!! Yes po opo Meme! Namiss ko, infernez, ang Shopee! I had been praying that this day would come! [laughing in tears emoji]."

Saad pa ng isa, "Basta wala na si Toni Gonzaga G!!!!!!! Install ko na ulit."

Sabi ng isa, "Sana may statement ang shopee na dinrop na nila as endorser si Toni Gonzaga."

Dagdag pa ng isa, "Di ako nag uninstall pero di ko rin ginamit. At least ngayon, maluwag na sa dibdib na magagamit ko Ang Shopee na wala si Toni."

Wala pang opisyal na pahayag ang Shopee o maging si Vice tungkol dito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens react to Vice Ganda's "Nakapag reinstall na ba lahat?" tweet after he was named as Shopee's new brand ambassador.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/ Shopee
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results