Sa kabila ng naging karanasan niya sa pag-ibig, naniniwala pa rin si Jennica Garcia sa kasal.
"I do, of course! I do believe in marriage," bulalas nito sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
May paglilinaw ng aktres, "But to be honest, it's something that I do not see myself doing it again, sa ngayon."
Tatlong taon na siyang hiwalay kay Alwyn, at inaayos na rin ang annulment ng kanilang kasal.
Read:
Jennica Garcia ends any talk about marriage to Alwyn Uytingco: “Hindi na kami mag-asawa ni Alwyn.”
Alwyn Uytingco on celebrating 12 years with Jennica Garcia: “Muntik na nga magtapos sa 11th year.”
Sa pagpapatuloy ni Jennica, “Hindi po natin alam baka magbago sa susunod, pero sa ngayon, hindi ko po talaga ma-imagine.
"Kasi po pag iniisip ko ang marriage, parang magtitiwala ulit ako nang buong-buo sa isang tao, ibibigay ko uli yung sarili ko.
"Hindi ko po kasi alam kung kaya ko pa pong i-survive yung next blow of heartbreak."
Pero hindi ba't marami siyang natutunan mula sa failed marriage niya, at alam na rin niya ang mga weaknesses?
Sa naunang na-publish na article, binanggit ng celebrity mom na isa siyang "duwag, sobrang submissive, at minsan ay uto-uto."
Paano i-a-apply ni Jennica ang mga natutunan kapag handa na siyang umibig muli?
"Paano ko siya ia-apply? Alam niyo po kasi, mahirap na talaga akong ma-in love ngayon, pa-tatlong taon na tayong single.
"Pero habang patagal nang patagal parang mas, kasi, siyempre, natututo ka na, marunong ka nga manood ng sine mag-isa, kumain mag-isa, tapos you feed yourself.
"And not just that, you also feed others."
More or less, alam na ng aktres ang mga hinahanap sa susunod na partner.
"Yung parang kaya ko na po yung…sana po hindi mayabang yung dating niya.
"So pakiramdam ko po, pag may dadating na bago, I can very much differentiate a red flag from a green flag now."
Read:
Jennica Garcia reveals joys and struggles of a single mom
Jennica Garcia moved by daughter Alessi's birthday gift for Ate Mori
Naganap ang panayam na ito sa launch ni Jennica bilang endorser ng Queen White beauty products nitong August 24, 2023, Huwebes, sa Romulo Café sa Tomas Morato, Quezon City.
NOT IN A RUSH TO FALL IN LOVE AGAIN
Naka-move on na raw siya, at naka-adjust na rin sa buhay bilang single mom sa dalawa niyang anak—Mori and Alessi.
"Yung parang nagkakaroon ka na kasi ng kumpiyansa sa, nagkakaroon na po ako ng kumpiyansa sa sarili ko na parang, ‘Jennica in fairness sa iyo,’ yung parang ganun.
"May mga ganun na akong moments.
"So pakiramdam ko po, yung bagong pag-ibig o para mahulog yung loob ko sa iba, dapat talaga magaling po siya, kasi paano iyan, magaling na din ako,” at tumawa si Jennica."
Hindi raw ganoon kadali ang naging healing process niya.
"...talagang ginapang ko po kasi yung healing ko, e, parang pag iniisip ko natutuwa din po ako na ang layo na po ng naitawid ko sa sarili ko, most especially with my mental battles."
Kaya ayaw daw niyang madaliin ang mga bagay-bagay lalo pa't may mga responsibilidad siya, at, higit sa lahat, mas natuto na siya.
"I don’t wanna awaken kasi love.
"When I say that I don’t want to awaken love, I don’t want to look for it, I don’t want to date anyone at the moment exclusively.
"It’s because I feel that if I’m gonna date just one person, I feel that mabilis na namang mahulog yung loob ko.
"And it’s really difficult to date right now, because I have two kids.
"And so when I’m dating, kailangan titingnan mo siya hindi lang siya parang good partner for you, but would he make a good father also to my children.
"So, sa larangan na yun, baka 2025 pa po tayo,” sabay-tawa muli ni Jennica.
Giit niya, "Pero sa ngayon parang medyo wala pa po."
