PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sandra, Mark, Mariz, Lyn, Suzi's fun memories with Mike Enriquez

Sandra Aguinaldo on Mike Enriquez: "Hindi ka kakabahan na icon yung katabi mo."
by Arniel C. Serato
Published Sep 1, 2023
Sandra Aguinaldo, Mark Zambrano, Mariz Umali mourn death of Mike Enriquez
GMA News personalities Sandra Aguinaldo (left) Mariz Umali (center with husband Raffy Tima), and Mark Zambrano (right) share their memorable moments with late broadcaster Mike Enriquez.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Ilan pang reporters ng GMA Integrated News ang nagbahagi ng kanilang magagandang alaala sa yumaong beteranong news anchor na si Mike Enriquez.

Binawian ng buhay si Mike sa ICU ng St. Luke's Medical Center, sa Quezon City, noong August 29, 2023.

Siya ay 71.

Read: Veteran broadcaster Mike Enriquez dies at 71

SANDRA AGUINALDO

Naging bahagi sina Sandra Aguinaldo at Mike noong kasal ng GMA News reporter na si Athena Imperial.

Sa ibinahaging Instagram post ni Sandra kahapon, August 31, 2023, makikita ang paglakad nila sa pasilyo ng simbahan ni Mike sa kasal ni Athena.

Kuwento ni Sandra, palagi raw niyang nakikita noon si Mike na nakikipagkuwentuhan sa reporters ng GMA sa canteen.

Hindi rin daw ito mahirap kausapin kung may ilalambing kang ipu-promote sa kanyang radio program.

Mensahe ni Sandra, “Thank you @athenaimperial for sharing this photo of me and Sir Mike during your wedding. May iba pa syang photos with reporters na ang ganda ng ngiti nya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naalala ko, madalas syang makipagkuwentuhan sa reporters sa canteen ng GMA.

“Madali lambingin na i-mention sa radio program nya yung upcoming episode ng I-Witness”

Dumating din daw ang punto na nakasama niya mismo si Mike sa pag-anchor ng 24 Oras, kung saan ipinaramdam daw sa kanya ng beteranong broadcaster na hindi siya dapat kabahan.

Ani Sandra, “One time, nakasama ko sya sa 24 Oras anchoring duty, he made me feel comfortable.

“Hindi ka kakabahan na icon yung katabi mo :) So yes, nasaksihan ko rin in person ang kanyang legendary ‘excuse me po.’ Sya lang talaga yun. Wala nang iba.

"Salamat sa nag-iisang Mike Enriquez na naging bahagi ng ating araw-araw ng maraming taon. #mikeenriquez

MARK ZAMBRANO

Marami namang hindi malilimutang payo si Mike kay Mark Zambrano nang naging bahagi siya ng GMA News.

Ang dami raw niyang natutunan mula sa paggawa ng script ng kanyang mga report hanggang sa kung paano magkaroon ng kumpiyansa sa pagharap sa camera.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahit umalis na si Mark sa pagbabalita, tuwing magkikita sila ni Mike ay wala pa rin daw nagbago sa turing nito sa kanya.

Kuwento ni Mark, “May mga taong nag-iwan ng di malilimutang marka sa buhay ko. Isa ka doon, Booma.

“Mula nang pumasok ako sa mundo ng pagbabalita, isa ako sa mga pinalad na tawagin kang mentor.

“Sa tayog ng narating mo, pinag-aksayahan mo ng panahon ang bagitong tulad ko para magka-kumpiyansa ako sa harap ng camera.

“Mula sa pagbibigay ng abiso para mapaganda ang mga news scripts ko sa 24 Oras..

“Pagpapalakas ng loob ko nang una akong sumabak sa studio news anchoring sa Balitanghali.

“At ang simpleng ‘Good job, Marky! sa tuwing magrereport ako sa DZBB..

“Ang iyong tinig ang patuloy kong naririnig sa tuwing ako'y magsusulat at humaharap sa camera.

“Nagpapasalamat ako na bagama't nilisan ko na ang pagbabalita ay muling nag krus ang landas natin.

“At hindi nagbago ang pagtrato mo sa akin.

“Salamat at paalam, Booma.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARIZ UMALI

May mga simpleng bilin naman daw si Mike kina Mariz Umali at sa asawa nitong si Raffy Tima noong kasal nila.

Ninong ng dalawa si Mike.

Lahad ni Mariz, “Simple lang ang bilin nyo po sa amin ni @raffytima noong ikasal kami — na kahit mag-asawa na kami ‘wag naming kalilimutang magdate pa rin lagi, magholding hands pa rin lagi at lalong pagtibayin ang aming pagiging magkaibigan.

“Hindi po namin ito kinalimutan sa sampung taon naming pagiging kasal at babaunin po namin ang pangaral nyong ito habambuhay.

“Maraming maraming salamat po, Ninong Mike! Mahal na mahal na mahal ka po namin.”

View this post on Instagram

A post shared by marizumali (@marizumali)

LYN CHING

Ibinahagi naman ng Unang Hirit co-host na si Lyn Ching ang lumang clip kung saan magkasama sila ni Mike sa news program na Saksi. Baguhan pa lamang daw noon si Lyn.

Pagbabahagi niya, "This clip is one of many in @gmanews’ tribute to Mr. Mike Enriquez, a pillar of the GMA broadcast community.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"A moment in my young newscaster/reporter life that has come and gone.

"That playfulness you see, with him pulling me by my jacket in surprise as we were closing the newscast and him laughing heartily, that’s really him.

"That’s Mike Enriquez.

"But to me, he was always just Booma….

"Not even sir Mike or Boss Mike.

"Booma, the man with the powerful voice, perfect diction and incredible energy that he brought to work day in day out.

"The proud La Sallian.

"He had been sick for quite awhile before passing, and in truth, i had not seen him in a long time, not since the pandemic began.

"But there are people in your life that was meant to be there, even for just a moment."

SUZI ENTRATA

Hindi naman makakalimutan ng Unang Hirit co-host na si Suzi Entrata ang pagiging mabait ni Mike sa kanya.

Inalok pa n r daw siya nito ng trabaho sa radio kaso tinanggihan niya kasi kapapanganak pa lang niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Suzi, “You were always so kind to me Sir Mike at one point you even offered me a show on AM radio which I had to refuse as I had just given birth to my second daughter Jade back then.

“But your confidence in me propelled me through the years and every time we passed each other in the hallway, there was always pleasant conversation between us. Thank you sir.

“Thank you for making time for so many of us and the lasting impressions that will be your legacy in each of us. Rest in peace sir Mike.”

Magkakaroon ng pagkakataon ang mga nagmamahal kay Mike na masilayan ang kanyang mga labi sa Christ The King Parish, Greenmeadows sa darating na Sabado, Setyembre 2, 2023, mula 8:30 AM hanggang 3:00 PM.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA News personalities Sandra Aguinaldo (left) Mariz Umali (center with husband Raffy Tima), and Mark Zambrano (right) share their memorable moments with late broadcaster Mike Enriquez.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results