Nilinaw ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Lala Sotto na hindi pa pinal ang 12-day suspension na ipinataw ng ahensiyang pinamumunuan niya sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.
Read: MTRCB suspends 'It's Showtime' for 12 days
May labinlimang araw (15) ang management ng It's Showtime na iapela ang nasabing desisyon sa MTRCB board na nagpataw ng suspension sa noontime show.

Sa panayam ni Nelson Canlas na umere sa 24 Oras ng GMA Integrated News ngayong gabi ng Martes, September 5, 2023, sinabi ni Lala na puwede namang agad-agad ay nasuspinde na ang It's Showtime ngunit binigyan pa rin nila ito ng pagkakataong magpaliwanag.
Saad niya, “With others, puwede naman talagang na-suspend na kanina pa lang, but no.
"Again, in the spirit of fairness, we are giving them the chance kaya hindi sila suspended today.
"We will wait for its finality.”
Sa order na inilabas ng MTRCB kahapon, September 4, 2023, nilinaw nilang may 15 days na palugit para maghain ang It's Showtime ng motion for reconsideration (MR).
Bahagi ng pahayag ng ahensiya, "In accordance with the Presidential Decree (P.D.) No. 1986 (MTRCB Charter), the respondents may file one Motion for Reconsideration (MR) within fifteen (15) days after receipt of the decision.
"Should the Board’s Decision be adverse to the respondent’s MR, they may appeal to the Office of the President within fifteen (15) days from the receipt of the decision on the MR."
LALA DENIES "PINAG-IINITAN" COMMENTS
Dahil sa desisyon ng MTRCB na patawan ng 12-day suspension ang It’s Showtime, napagbalingan ng netizens at supporters ng Kapamilya noontime show ang ahensiya, partikular na si Lala.
Tila tina-target umano ng MTRCB ang Kapamilya noontime show.
Si Lala ay anak ni anak ni dating Senate President Tito Sotto, isa sa mga host ng TV5 noontime show na E.A.T..
Direktang kalaban sa ere ng E.A.T. ang It’s Showtime at ang iniwang noontime show ng TVJ na Eat Bulaga!, na umeere naman sa GMA-7.
Mariin itong pinabulaanan ni Lala.
Sabi niya, “No, that is not true.
"Siguro, natural lang naman sa mga supporters ang maging ganun ang pakiramdam kasi, siguro, naririnig nila na parating nari-report.
"But hindi po kasalanan ng MTRCB ang violations na ginagawa nila.”

Bago ito, naglabas ang MTRCB ng pahayag tungkol sa pag-inhibit ni Lala sa unanimous vote ng board na isuspinde ang It's Showtime.
Bahagi ng nakasaad sa statement ng MTRCB, “Chairperson Lala Sotto inhibited from voting, ensuring that members of the Board exercised their independent judgment in determining the appropriate course of action.”
Read: MTRCB Chair Lala Sotto, di kasama sa mga bumoto sa 12-day suspension ng 'It's Showtime'
Related Stories:
- Vice Ganda, pasabog ang entrance sa 'It's Showtime' sa gitna ng 12-day suspension mula sa MTRCB
- Vice Ganda on “Wala Akong Pake” music background: “Very timely.”
- MTRCB, wala pang natatanggap na pormal na reklamo laban sa 'E.A.T.'
- MTRCB Chair Lala Sotto on parents Tito Sotto, Helen Gamboa's kiss on 'E.A.T.': “Wala po silang nilabag.”
- MTRCB Chair Lala Sotto affirms decision that 'It's Showtime' committed a violation: "Magalit na kung sino man ang magagalit."
- What PEP.ph thinks of It's Showtime being slapped with a violation by MTRCB; what about E.A.T?
- Netizens, kinalampag ang MTRCB sa pagmumura ni Wally Bayola sa 'E.A.T.'
- ABS-CBN to submit motion for reconsideration following 'It's Showtime' suspension
