Masayang-masaya pa rin ang buong It's Showtime family kahit pinatawan ng 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang kanilang programa.
Read: MTRCB suspends 'It's Showtime' for 12 days
Marami ang nag-aabang sa episode ng Kapamilya noontime show ngayong Martes, September 5, 2023, kaya trending topics ang #TayoAngShowtime sa X (formerly Twitter).

Tila pinaghandaan talaga ni Vice Ganda ang episode ngayong araw dahil dumating siya in head-to-foot pink Valentino outfit.
Read: Vice Ganda, pasabog ang entrance sa 'It's Showtime' sa gitna ng 12-day suspension mula sa MTRCB
Sa “Rampanalo” segment ng programa, may kinausap si Vice na isang babaeng audience.
Maayos ang takbo ng usapan nila ni Vice nang biglang magpatugtog ang DJ ng kantang may lyrics na “wala akong pake…”
Komento ni Vice, “Nakakatawa yung kinakausap ko siya tapos sumasagot siya tapos pinatugtugan mo ng ‘wala akong pake.’”
Saglit munang nayuko si Vice na natatawa.
Dugtong niya, “Hindi po yan ang opinion ko. Nakakatuwa… wala akong pake. Ang ganda ng song na yun, very timely.”
Ibinahagi ng isang netizen ang tagpong ito sa X.
Caption niya, “Not Vice Ganda wearing pink and then “Wala akong pake” on the background. Timely and relevant! #TayoAngShowtime #ItsShowtime #LalaSotto #MTRCB”
Tila hindi nagpapatinag ang It’s Showtime sa kabila ng kontrobersiyang kinakaharap nila ngayon.
Inilabas ng MTRCB ang kanilang desisyong patawan ng 12-day suspension ang show kahapon, September 4, 2023, matapos makatanggap ng reklamo tungkol sa “Isip Bata” segment ng show noong July 25, 2023.
Read: MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment
Napagbalingan naman ng batikos mula sa mga tagasuporta ng It's Showtime ang tagapamuno ng MTRCB na si Lala Sotto-Antonio, anak ni dating Senate President Tito Sotto na isa sa mga host ng TV5 noontime show na E.A.T.
Direktang kalaban sa ere ng E.A.T. ang It’s Showtime.
Read: MTRCB Chairperson Lala Sotto, pinupuntirya ng netizens dahil sa suspension ng 'It's Showtime'
Ipinaalala ng netizens kay Lala ang pagmumura ni Wally Bayola sa live episode ng E.A.T. noong August 11, 2023.
Read: MTRCB summons 'E.A.T.' for violation following Wally Bayola’s swearing in "Sugod Bahay"
Pati na ang pagpupog ng halik ni Tito sa asawa nitong si Helen Gamboa sa National Dabarkads Day celebration ng kanilang programa sa TV5 noong July 29, 2023.
Wala pang pahayag si Lala tungkol dito.
Related Stories:
- MTRCB, wala pang natatanggap na pormal na reklamo laban sa 'E.A.T.'
- MTRCB Chair Lala Sotto on parents Tito Sotto, Helen Gamboa's kiss on 'E.A.T.': “Wala po silang nilabag.”
- MTRCB Chair Lala Sotto affirms decision that 'It's Showtime' committed a violation: "Magalit na kung sino man ang magagalit."
- What PEP.ph thinks of It's Showtime being slapped with a violation by MTRCB; what about E.A.T?
- Netizens, kinalampag ang MTRCB sa pagmumura ni Wally Bayola sa 'E.A.T.'
- ABS-CBN to submit motion for reconsideration following 'It's Showtime' suspension
