Hindi na nakatiis si Ogie Diaz na makisawsaw sa isyu ni SexBomb Izzy Trazona-Aragon at ng anak nitong si Andrei Trazona a.k.a Sofia.
Read: SexBomb Izzy Aragon's son Andrei Trazona joins drag as Sofia
May kaugnayan ito sa pagsasapubliko ng dating miyembro ng SexBomb Girls na hindi niya lubusang tanggap ang sekswalidad ng kanyang binatang anak na si Andrei, maging ang pagiging drag performer nito.
Noong September 11, 2023, un-upload ni Izzy sa Facebook ang kanyang open letter para kay Andrei.
Nakasaad sa kanyang liham na miss na niya ang anak at mahal na mahal niya ito, subalit hindi raw niya tanggap ang kasarian nito bilang miyembro ng LGBTQ+ community dahil labag ito sa kanilang paniniwala.
Ang nais lamang daw niya ay para sa kapakanan ng anak na naaayon sa nasusulat sa Bibliya.
Nitong Miyerkules ng gabi, September 13, diretsahang pinatutsadahan ni Ogie sa Facebook si Izzy.
Ayon sa talent manager-YouTube vlogger, hindi niya maintindihan kung bakit sinasabi ngayon ni Izzy na hindi niya tanggap si Andrei, gayong noon una naman ay ipinagmamalaki niya ito at tinatawag pang dalaga.
Mababasang caption sa post ni Ogie (published as is), "Teka lang naman dito kay Sexbomb Izzy at sa draq queen na anak nitong si Andrei, ha? Sasawsaw lang ako nang slight.
"Nung una, tanggap mong bakla ang anak mo. Ipinagmamalaki mo ngang dalaga na ang anak mo, eh.
"Tapos ngayon, me nagpa-realize lang sa 'yo na parang kasalanan ang maging bakla, wini-wish mo na sana ay magising sa katotohanan ang anak mo?
"I think, mas kasalanan sa Diyos 'yang kaipokritahan mo.
"Tinanggap mo nung una, tapos ngayon, babawiin mo? Laban-laban, bawi-bawi?"
Hindi na raw sana magsasalita at makikisawsaw pa si Ogie kung noong una pa lang ay sinabi na ni Izzy na ayaw niyang bakla ang kanyang anak.
Aniya, "Mas hahangaan pa kita kung sa una pa lang, consistent ka nang ayaw mong maging bakla anak mo.
"Pinanindigan mo.
"So masisisi ba natin yung bata kung magsabi siya na hindi na healthy kung magsasama pa kayong mag-ina?"
Tila hindi rin nagustuhan ni Ogie ang pagpu-post ni Izzy sa social media, imbes daw na pag-usapan nila ito in private at bilang pamilya.
Read: Here’s the tea: LGBT lacks inclusivity!
Bilang ina, dapat ay si Izzy raw ang unang makakaintindi sa kung ano at sino ang kanyang anak.
Saad ni Ogie, "Juice ko, kahit maging pusa o sirena pa yang anak mo someday, anak mo yan, tanggapin mo.
"May purpose ang existence niya sa mundo, hayaan mong hanapin niya.
"At tanggapin mo ang anak mo kung hindi naman nanghahamak o nang-aapi ng kapwa.
"So as long as hindi naman siya gumagawa ng illegal, hindi sakit ng lipunan habang happy naman siya sa kanyang mga ginagawa eh payagan mo na."
Mas maigi na raw na maging bakla si Andrei kesa maging lalaki nga pero mabisyo at sakit naman sa ulo ng kanyang mga magulang.
Diin ni Ogie kay Izzy, "Anong gusto mo? Tunay na barako, pero addict?
"Maging barakong ama someday yang anak mo, pero iresponsable at anak lang nang anak?
"Maging barakong pulitiko yung anak mo, pero corrupt?
"Juice ko, yung pangalan mo nga, baklang-bakla -- me narinig ka ba sa amin? [laugh in tears emojis]."
